di lang pang-akting, pang concert pa rin…. JOHN ARCILLA, PANALO ANG SINGING VOICE

di lang pang-akting, pang concert pa rin…. JOHN ARCILLA, PANALO ANG SINGING VOICE

No description available.
No description available.
No description available.

HUMARAP sa Philippine Movie Press Club, Inc. o PMPC officers and members sina John Arcilla, Christi Finder para sa inihandang Thanksgiving party ng Saranggola Productions kasama ang producer na si Ms Edith Fider sa The One Castilla events place kamakailan. Ito ay kaugnay ng pasasalamat nila sa pagkapanalo ni John bilang best actor sa nakaraan Star Awards for Movies at ni Christi para sa best new female recording artist sa Star Awards for Music. Kapwa naghandog ng awitin sina John na napakaganda pala ng boses. Animo’y nanonood kami ng Isang play sa kanyang operatic voice. Inawit din niya ang theme song ng “The Healing Priest” na napakaganda. Look alike ni Moira de la Torre si Christi pati sa kutis nito na napakaputi na mala- Kris Aquino naman. Medyo naglie low si Christi sa pagkanta pero sinabi niyang this time ay tuloy tuloy na daw at mas seryoso na nyang haharapin. Na-bully pala sya dahil sa body shaming dahil medyo malusog sya. Pero dedma na lang sya dahil uso naman ang malulusog nowadays at meron pa ngang nakukuhang model ng liquor kahit dambuhala sa katabaan, noh! “I’m enjoying what I have right now but I still trying na medyo lumiit. Pero if not, okey lang. Ayokong pilitin kasi bata pa naman ako. Ang importante naman is my music. Mas dun ang focus ko” say ng singer . Ibinalita naman ni John na he’s looking forward sa pagsasama nila ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa Isang stage reading ng “Himala”. Excited si John at wish na sana’y matuloy. Aabangan naman ang ngayo’y napakagandang kuwento ni Rey Valera at ang kanyang mga musika na entry ng Saranggola Productions para sa Summer MMFF na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” sa direksyon ni Joven Tan.

lalaban ng sabayan sa mga malalaking movie outfit?!! SARANGGOLA PRODUCTION, TO GO FULL BLAST THIS YEAR

SPEAKING of Saranggola Productions, mukhang totodo sila sa paggawa ng malalaking pelikula ngayong taon. Pursigido ang producer na si Ms Edith Fider na tiyaking in full blast sila this year. “That’s the plan this year ng Saranggola Productions, we will produced big budgeted films at mga malalaking artista ang kukunin namin. We’re planning to have at least 8 franchise movies at malaki ang budget nun. “We’re intend to do also. Concerts with Mr John Arcilla and Christi Fider and other big time singers. Yeah, we will invest also in concert here and abroad. That’s one for some plans of the production this year.” , litanya pa ni Ms Fider In full blast na ang promotion ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” na pinagbibidahan ni RK Bagatsing.

Hindi akalain ni Ms Fider na papasok sila sa Summer MMFF dahil isinali nila ang pelikula sa MMFF last year pero naisnab sila. “Dito pala kami papasok sa Summer MMFF so it’s such a blessing. Well, we are now on the promo of the movie, were going to have our premiere night soon at marami ibang plans to promote our movie. ” Trending na ang pelikula dahil sa masarap sa mata at masaya sa pandinig dahil sa mga kanta ni Rey Valera. Na-preview na ang pelikula at ayon sa publicist ng pelikula na si Leo Bukas ay maraming eksena sa movie na umiiyak sya. “Nakakaiyak ang mga eksena tapos swak pa yung mga music sa bawat tagpo.” Bongga!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *