Itinangging lumayas ng bansa…… KAMPO NI DENIECE CORNEJO, TAHIMIK SA PAGKA-ABSUWELTO NI VHONG NAVARRO

Itinangging lumayas ng bansa…… KAMPO NI DENIECE CORNEJO, TAHIMIK SA PAGKA-ABSUWELTO NI VHONG NAVARRO

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NILINAW ni Deniece Cornejo ang kumalat na balitang nagpa-book sila ni Cedric Lee ng flight papuntang Singapore. Itinanggi ni Deniece ang nag-viral na post sa Twitter mula sa may account name na Joey Ledema. Ipinadala ni Deniece ang kanyang reaksyon sa entertainment editor, kung saan unang nasulat sa pahayagan ang plano nila diumano ni Cedirc na mangibang-bansa.

Ayon sa netizen: “Cedric Lee and Deniece Cornejo book plane to Singapore.” Agad na pinabulaanan ni Deniece na umalis sila sila ng bansa ni Cedric patungong Singapore sa ipinadala niyang text message sa editor ng Bulgar na si Janice delos Santos-Navida.

Tumanggi naman si Deniece na magbigay ng reaksyon sa pagkakabasura ng Supreme Court sa kasong isinampa niya laban kay Vhong Navarro. Ayon kay Deniece, hindi pa raw siya handang magsalita tungkol sa pagkaka-abswelto ni Vhong. Hindi rin nakunan ng reaksyon si Deniece sa balitang magkarelasyon sila ni Cedric. Tahimik din si Deniece sa serious illegal detention at physical injuriy na ikinaso ni Vhong laban sa kanila ni Cedric kasama ang grupo nito. Say ng netizen, ‘di na kailangang magbigay ng reaksyon ni Deniece dahil baka kung anu-ano’ng kasinungalingan pa raw ang sabihin nito. Ganern?

No description available.
No description available.

Gabby Concepcion, magiging lolo na… ANAK NA SI GABBY CONCEPCION, BUNTIS

INAABANGAN ng mga marites ang pagbati ni Gabby Concepcion sa kanyang second daughter na Garie Concepcion kasalukuang nagdadalang-tao sa baby nila ni Michael Pangilinan. Sinilip namim ang post sa Instagram ni Garie when she announced her condition now.

Pero wala kaming nakitang mensahe o pagbati man lang kay Garie. Unlike pag ang panganay na anak ni Gabby na si KC Concepcion ang may post, may comment agad siya. Actually, among his three “first” daughters walang dudang pinaka-close si Gabby kay KC. Mukhang si KC din kasi ang masipag mag-reach out kay Gabby. May statement daw kasi si Gabby sa past interviews niya dapat ang anak niya ang mag-reach out sa kanya at ‘di siya. No wonder kung bakit pina-ampon na ni Jenny Syquia ang anak nila ni Gabby na si Cloie kaya iba ang surname na ginamit niya nu’ng maging Miss Universe-Sweden siya noong 2016.

Going back to Garie, inamin naman niya in her past interviews mas close siya sa kanyang yumaong stepdad na si Iggy Arroyo. But just the same, kahit man lang sana sa kasalukuyang kondisyon ni Garie sana raw ay ‘nagpaka-ama’ si Gabby sa kanyang anak, say ng netizens. Anyway, curious din ang netizens if ever ikasal si Garie sa ama ng anak niya na si Michael Pangilinan maiiba ang surname niya. “Same na sila ulit ng last name ni ses if ever.” “Parang si KC lang” “Magiging pareho sila ng surname ni KC sa legal papers.” Sabee.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *