laban kung laban…. HERLENE ‘HIPON’ BUDOL, WALANG KADALA-DALA

laban kung laban…. HERLENE ‘HIPON’ BUDOL, WALANG KADALA-DALA

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.
No description available.

PINATOTOHANAN ng talent manager ni Herlene ‘Hipon’ Budol, na si Wilbert Tolentino, ang tsikang tinutukan ng baril ang kanyang alaga hotel sa bansang Uganda kung saan nanirahan ang mga kandidata ng Miss Planet International 2022 at naging dahilan para i-pull out nito si Herlene sa naturang beauty pageant.

Kuwento ni Wilbert; “Yes po tinutukan ng baril si Herlene pati yung ibang candidate ng Ms. Planet International, during time na nagkagulo sa Uganda. Yung hotel management ay tumawag ng pulis dahilan sa di pagbabayad ng ng MPI organization sa inokupahang mga rooms ng mga kandidata, kaya kinuha yung mga passport ng mga ito. Dahil sa pangyayari, si Herlene ay nagkaroon ng trauma. Siyempre natakot siya kaya sobrang iyak si Herlene at naging isang bangungot yun para sa kanya”. At kahit nga na-trauma si Herlene sa unang sabak nito sa international pageant ay balak muli itong isali ni Wilbert sa Miss Grand International pero depende daw sa magiging schedule ni Herlene lalo na’t bibida na ito sa kanyang sariling teleserye sa Kapuso Network, “Magandang Dilag” kasama sina Benjamin Alves at Rob Gomez. If ever daw na hindi magiging abala ang beauty queen actress ngayong taon ay siguradong isasabak niya ito sa Miss Grand International 2023.

NAGBALIK na sa Japan ang Pinay singer na si Jos Garcia pagkatapos ng ilang araw nitong pamamalagi sa Pilipinas para pumirma ng panibagong kontrata bilang ambassador ng Cleaning Mamas by Natasha for one year. Ayon nga kay Jos; “4 lang days po ang nilagi ko sa Pinas dahilan sa may mga singing engagement din ako sa mga bars and restaurants sa Japan.

Nagpapasalamat ako sa nagtiwala sa akin para muling mag-promote ng mga produkto nila for another year at maging part ng kanilang pamilya.” Ito rin ang naging pagkakataon ni Jos para i-record ang kanyang bagong awitin na mula sa komposisyon ni Maestro Rey Valera at magbabalik sa bansa sa darating na December para i-promote sa Pilipinas ang bagong kanta. Bukod dito ay nag-guest siya sa morning show ng PTV 4 ang “Rise and Shine Pilipinas” at sa Wish Bus 107.5 FM.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *