nagkabukingan na… JAMES REID, PINAGTAKSILAN ANG EX-GF NA SI NADINE LUSTRE HABANG SILA PA

nagkabukingan na… JAMES REID, PINAGTAKSILAN ANG EX-GF NA SI NADINE LUSTRE HABANG SILA PA

May be an image of 1 person and text that says "hike GO Loan deal Online BY: GERRY OCAMPO"
No description available.
No description available.

MATAPOS ilabas ni James Reid ang kanyang statement sa relasyon nila ng younger sister ni Yassi Pressman na si Issa Pressman ay lalong dinagsa sila ng mga bashers. Sa naging pahayag ni James sa kanyang social media account ay ipinagtanggol niya si Issa at tila kinumpirma niya ang kanilang relasyon. Pero maraming fans ang hindi naniwala sa naging statement ni James na, ‘the past rumors about Issa are just that, rumors.’ Pakiramdam nila ay nag-cheat daw ang actor noong panahon magkarelasyon pa sila ni Nadine Lustre.

“Grabe yung disappointment as a fan from JaDine to James and Nadine. Kasi buong akala ko, they broke up for them to grow separately, Akala ko, mutual decision. Wag mong sabihing The past rumors about Issa are just that, rumors,’ Kasi Hindi.” say ng isang fan. “As someone who has been a fan since 2014. You Disappointed Me Big Time, James.” pahayag ng isa pang supporter. “James Reid really not getting the point.`no? Regardless if there was cheating or none, the fact no jinowa mo ang kaibigan n`yo ng ex mo, red flag yun, Kag*guhan. Pero sige, kung saan ka masaya,” comment naman ng isa pa, “Wala naman kaming paki if sinong maging jowa mo, pero si Issa? Na kaibigan ni Nadine? Seryoso ka ba. James?” say naman ng isa pa, Matatandaang na-link noon sina Issa at James bago pa man nagkahiwalay ang actor at si Nadine. Kaagad itong itinanggi ni James at nag-sorry pa sa magkapatid na sina Yassi at Issa dahil sa pagkakadamay ng mga ito sa isyu.

No description available.
No description available.

di mapigilan paglusog dahil sa isang sakit….. CHRISTI FIDER, KERI ANG PAGDAGDAG NG KANYANG TIMBANG

GUSTO nang tumigil sa pagkanta ng Star Magic artist na Christi Fider sa industriya ng musika dahil sa health condition. May Adenomyosis na isang hormonal imbalance na kung saan kahit anong paraan para magpapayat ay hindi magiging epektibo. “Yeah, I wanted to quit na talaga sa pagkanta. Pero biglang kinuha ako ng dating grupo namin na Adobers Studios ng ABS CBN. Ni-revive nila ang yung grupo namin,“ pagtatapat ni Christi sa Thanksgiving ng Sarangola Media Production.

Sa nakaraang Star Awards for Music ay pinangaralan si Christi Fider na Best New Female Recording Artist para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Direk Joven Tan. “Because of my recent award from PMPC na-encourage ulit akong kumanta, I was given the chance to record an EP (extended playlist) album. Yung career single ko titled ‘Reyna’ ang ginawang theme song ng bagong show ng ABS CBN sa YouTube na tungkol sa mga drag queens na ang title ay “Mudrakels,” say ni Christi.

Nangako si Christi na hindi na siyang magiging conscious sa kanyang hitsura kesehodang madagdagan pa ang kanyang timbang. “2022 has been very challenging for me. At the beginning of the year I was very optimistic na I`m gonna own it. My goal was to be skinny because I felt like people will love me more, I tried every diet that I could of, I tried of slimming pills. tea, basta lahat na. Still nothing happened. The most depressing part about it is that even if you`re trying so hard, people are still gonna comment as if you`re not doing anything. So my day always end up me crying, then the next day I`m gonna hinge and make up for the days na hindi ako kumain,Then I found out I have PCOS and Adenomyosis that`s why I`m not losing weight. “In 2023 , my goal isn`t to be skinny anymore but to be healthy and confiden, I`m still in the process of loving myself, but I can say that this journey wouldn`t be hard because I`m surrounded by inspiring people,” pahayag ni Christi Fiber. Samantalang ang mother dear ni Christi na si Edith Fider ang producer ng Sarangola Media Production masayang-masayang dahil ang pelikula nilang “Kahit Maputi na Ang Buhok” ay nakapasok at napili sa Manila Film Festival. “Actually, hindi namin inaasahan na mapapasama kami sa MFF. Ginawa namin ang “Kahit…” para sa MMFF pero hindi nakapasok. Aaminin ko nalungkol ako, pero wala kaming magawa kundi tanggapin ang naging pasya ng mga hurado sa MMFF,” say ni Madam Edith Fider.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *