no more sexy roles…. DAVID LICAUCO, BALIK WHOLESOME IMAGE

no more sexy roles…. DAVID LICAUCO, BALIK WHOLESOME IMAGE

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.
No description available.

HINDI na raw sasabak sa hubadan sa telebisyon, pelikula, stage at maging sa mga pictorials ang Kapuso artist na si David Licauco. Sa isang interview nito ay sinabi ng hunk actor na simula ng makilala siya bilang Fidel sa patok na patok na GMA Teleserye na “Maria Clara at Ibarra” kung saan nakasama nito sina Barbie Forteza at Dennis Trillo ay dumami na ang mga fans niyang bata.

Ayon nga kay David; “So child-friendly na tayo ngayon. Hindi na puwede ‘yung hubad-hubad. But I’m still with Bench. So iyon, whatever works. Kung ano yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko,” At kung dati-rati daw ay nakahubad at naka brief sa mga print ads, poster at billboard ng Bench, ngayon daw ay tapos na ang kanyang kontrata sa Bench Body. Balik wholesome na si David katulad noong nagsisimula siya sa showbiz, kaya mami-miss ng mga kababaihan at mga kapatid sa LGBTQ ang hubad na katawan ng hunk at guwapong aktor.

No description available.

CHRISTI FIDER SAW A SIGN TO CONTINUE HER SINGING CAREER

HANDA na palang mag-quit sa music industry ang Star Music artist na si Christi Fider dahil sa kanyang sakit na Adenomyosis. Ang Adenomyosis ay isang hormonal imbalance na nakuha ni Christi sa pagbabawas ng timbang. Ayon nga kay Christi; “Yeah, I wanted to quit na talaga sa pagkanta.

Pero biglang kinuha ako ng dating grupo namin sa Adobers Studios ng ABS-CBN. Ni-revive nila yung grupo namin,” At dahil sa parangal na nakuha nito sa PMPC sa nakaraang Star Awards for Music ng Best New Female Recording Artist para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Joven Tan na na siyang naging sign ni Cristi para ipag patuloy ang kanyang passion sa pagkanta at tuluyang di na mag quit sa larangan ng pag awit na kanyang minahal.

“Because of my recent award from PMPC na-encourage ulit akong kumanta. I was given the chance to record an EP (extended playlist) album. Yung carrier single ko titled ‘Reyna’ ang ginawang theme song ng bagong show ng ABS-CBN sa YouTube na tungkol sa mga drag queens na ang title ay “Mudrakels,” At sa sunod-sunod na parangal na nakuha nito sa pag awit ay sinabi nito sa kanyang sarili na hindi na siya magiging conscious sa itsura niya kesehodang mag-gain pa siya ng weight. “2022 has been very challenging for me. At the beginning of the year I was very optimistic na, I’m gonna own it. My goal was to be skinny because I felt like people will love me more. I tried every diet that I could think of, I tried a lot of slimming pills, tea, basta lahat na. Still nothing happened. The most depressing part about it is that even if you’re trying so hard, people are still gonna comment as if you’re not doing anything. So my day always end up like me, crying, then the next day I’m gonna binge and make up for the days na hindi ako kumain. Then I found out I have PCOS and Adenomyosis that’s why I’m not losing weight. I was about to give up when Pancho and Des encouraged me to love myself more. Embrace my curves daw. Nagulat ako kasi they’re the first in the industry na nagsabi na I can make it kahit hindi ako payat. ‘Yung carrier single ko na ‘Reyna’ is all about loving yourself, being confident. Ako ang reyna ng mundo ko,” pagtatapos ni Christi.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *