SUPER ‘EXPENSIVE BABY’ NINA VICE GANDA AT ION PEREZ, BINATIKOS

SUPER ‘EXPENSIVE BABY’ NINA VICE GANDA AT ION PEREZ, BINATIKOS

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NIRESBAKAN ni Vice Ganda ang mga bumabatikos sa kanya sa pagbili niya ng Pomeranian puppy worth PHP380,000. Ang five-month-old Pomeranian puppy na binili ng “It’s Showtime” host kasama ang partner niyang si Ion Perez ay bagong ‘baby’ na tinutukoy ng mag-partner sa latest vlog ng Unkabogable Star.

Syempre, pawang mamahalin at signature brands din ang mga gamit ng ‘baby’ nina Vice at Ion gaya na lang ng dog bed worth P16K. Sa mga nagsasabi na OA sa presyo ng alagang hayop ng “It’s Showtime” hosts. Eh, pero kung ‘yun naman ang magpapasaya kay Vice at Ion care ba natin.

Unang-una, pera nila ‘yun. Wala tayong paki saan man gastusin ni Vice ang kanyang pera. Pangalawa, kering-keri ni Vice bumili ng Pomeranian dog kahit sampu pa. Susme, wala pa sa kalahati ng presyo ng isang signature bag ni Vice ang halaga ng bago niyang aso, ‘noh. Kaya para kina Vice, mura pa ang halaga ng bago nilang ‘baby’ ni Ion.

At saka sabi nga nila, walang halaga ang pwedeng tumumbas sa happiness ng isang tao. Pangatlo, mabuti na ‘yan na may mapagpa-praktisan at mapagbubuhusan sina Vice at Ion ng kanilang love and care bago man tuluyan silang mag-decide na magkaroon ng kanilang tunay na baby. Gawin bang guinea pig ang aso?Hahaha! Pang-apat, ‘di lang si Vice ang celebrity na may biniling aso na ganyan kalaki ang halaga.

Baka nga di hamak na mas mahal pa kesa sa P380K worth Pomeranian dog ni Vice. Anyway, ‘di na rin kami magugulat if one day ay umapir na rin ang aso nina Vice at Ion sa “It’s Showtime” lalo na kapag nagkaroon sila ng segment tungkol sa mga aso.

No description available.
No description available.

CHRISTI FIDER, SHIFTING FROM ‘PRINCESS’ TO ‘REYNA’

IT’S nice to know na back to recording ang napaka-sweet na singer na si Christi Fider also known as the Bubblegum Pop Princess. Out na ang bagong EP (extended playlist) album niya na may apat na songs ang laman ng kanyang EP kung saan ang carrier single ay pamagat na ‘Reyna.’ Very personal daw ang apat na songs niya sa kanyang EP dahil kinuwento niya doon kung ano ‘yung mga nangyari sa kanya in the past.

Dalawa sa apat na bagong kanta niya ay ang ‘Reyna’ at ‘Fake.’ From ‘bubblegum’ songs, nag-shift na raw ng music genre si Christi. “Yes po,” sabi niya. “Although, I’m still in my early 20s pa lang po. Pero I feel na kailangan ko ng lumihis doon sa pagpapa-kyut. I feel ‘ung audience ko nagma-mature na rin. So, kasabay ko silang tumatanda. Kaya sana magustuhan din nila.” Isinalin rin daw ni Christi ang kanyang “korona” bilang Bubblegum Pop Princess sa baguhang singer na si Shira Tweg. “I feel kasi na ‘yung pagiging Bubble Pop parang maganda siya as a start for a new singer. But eventually, I have to mature as a singer and ‘yun nga I have to shift my sound talaga kasi eto talaga ‘yung gusto ko na sound for myself. ”When asked kung ano na ang gusto niyang title ngayon, “Reyna na ako ngayon… hihihi.”

Sa paggawa ni Christi ng mga kanta niya during pandemic, may mga pagsubok daw siya na pinagdaan. “Nagkasakit po ako,” pagri-reveal niya. “Actually, napansin ko lang po ‘yun nu’ng nagga-gain ako ng weight and very uncontrollable siya kahit wala naman ako’ng ginagawa. “Eh, ‘di nagpa-checkup ako. I have PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) and Adenomyosis,” kwento niya. Ayon kay Google, ang adenomyosis is a condition thay can cause painful periods, heavy bleeding during your period, prolonged bleeding, and abdominal pain.

Ang mga babae raw na may ganitong sakit ay may higher levels of pain during menstrual cycles and can lead to infertility. Esplika pa ni Christi, “‘Yung adenomyosis actually din ang nagtri-trigger sa weight gain ko kasi, ang ibig sabihin kasi noon ‘yung lining ng ovary ko is very thick. So, masakit siya pero bearable naman. Same with PCOS is same rin ng effect niya which is uncontrollable weight gain. So, ‘yun po talaga. Although, ngayon tinutulungan naman ako ng doctors ko kung paano ima-manage ‘yung food. Kung ano ‘yung mga dapat kong kainin at ‘di ko dapat gawin.

Ngayon, sobrang may mga medications ako na tini-take and at the same time, nakaka-adjust ako sa new lifestyle na kailangan ko talagang maging healthy. Kasi syempre, marami pa ako’ng plans for the future kaya kailangan ko talagang tutukan ang health ko.” Nakausap namin si Christi sa thanksgiving party ng Saranggola Media Productions sa Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan isa sa artists nila ang bagong ‘reyna.’ Winner si Christi sa nakaraang Star Awards for Music as Best New Female Recording Artist para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Joven Tan.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *