WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

LADY PRODUCER TINOTOO ANG BANTANG BIBILHIN ANG BALAYSUNG NG SIKAT NA STAR DAHIL PINAGHINTAY ITO NG ILANG ORAS

Madalas inuumaga si Mosang sa balaysung nang isang sikat na Big Star till now ay sikat na sikat pa rin. Kasamang nagtsitsikahan ang ilang syobis writers friends withmatching food and alak on the side sa mismong bedroom ni sikat na female Big Star pero inantok na si Mosang at medyo tipsy ay iniiwanan nito ang tropa at nakikitulog sa room sa isang adopted dotter ni Big Star, na noon ay bagets na baget pa pero now ay may mga anak na itey at ang eldest nga niya ay sikat na rin female star at ang ama ni eldest anak ay isang actor na dyunak naman nang isang female singer. Kinaumagahan, pagkagising ni Mosang at paglabas ay nabungaran nitong nakaupo sa isang sopa paharap sa room ni female big star ang isang sikat rin na Lady Produ na nakasimangot kahit nag-good morning pa si Mosang. Tumaas ang kilay ni Lady Producer with matching dialogue na… “Kanina pa ako antay dito di pa siya labas para meeting namin for a possible movie project. Hmp! One day ay bibilhin ko itong bahay niya at pag ako na ang may-ari ng bahay na ito ay gagawin kong opis at studio para sa aking movie productions, mark my word, I will do that.” Na tipong nainip at naasar sa paghihintay kay female big star. 1Lo and behold! Nagdilang anghel si Lady Produ. Nabili nga niya ang balaysung ni female big star at ginawa niya itong studio cum opisina cum tambayan nang kanyang mga artista at naging puntahan rin nang mga syobis writers habang si female big star ay palipat lipat ng balaysung. Naging very active sa paggawa ng pelikula si Lady Produ pero huminto noong kasagsagan ng Pandemic at till now ay wala pa rin kaming balita kung ipagpapatuloy nito ang pagpo-produce ng mga pelikula. Only God knows, ika nga. Well, ganyan talaga ang buhay sa showbiz world na sabi nga kanya-kanyang panahon lamang. Yun na!

CLUE: Si Lady Produ ang nagpasikat sa mga naging matinee idol noong nakaraang henerasyon. May konek ang namesung ni Lady Produ sa name ni yours truly. Samantalang si Big Star ay super big star pa rin hanggang ngayon. BY: MERCY LEJARDE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *