health condition, gumanda.. KRIS AQUINO, DINAYO ANG ISANG INDIAN DOKTOR

health condition, gumanda.. KRIS AQUINO, DINAYO ANG ISANG INDIAN DOKTOR

May be an image of 1 person and text that says "TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com"
No description available.
No description available.

ISANG doctor mula India ang tila kasagutan sa iniindang karamdaman ni Kris Aquino, ang kanyang autoimmune system. Ang espesyalista at Indian Doctor Sudhir Gupta ang hinihinalang sagot sa matagal nang pinagdadaanan ni Kris kaya’t dinayo pa nila ang nasabing doktor sa India. Sa programa ni Cristy Fermin unang nalaman ng mga netizens ang tungkol dito sa mala-himalang gamutan mula sa India. Ani Fermin,”Mayroon pong nakapagparating sa amin na Isang kaibigàn, na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino. “Ito po ay dahil kay Doctor Sudhir Gupta.

Ito po ‘yung Indian doktor na talaga pong dinadayo ng mayayaman sa buong mundo Napakaganda na raw po ngayon ng kondisyon ni Kris Aqúno..”. Sang-ayon pa kay Fermin kilalang-kilala na si Doc Gupta dahil sa husay nitong magpagaling. Mga mayayaman at kilalang mga tao sa buong mundo ang kanyang mga pasyenteng napapagaling. Tiwala ang kampo ni Kris na sa pamamagitan ni Gupta, isang masiglang Kris ang tatambad sa atin pagkatapos ng nasabing gamutan.

No description available.
No description available.

TAMBALANG LA SANTOS AT KIRA BALINGER, SA MOVIE NAMAN

SUSUBUKAN NAGKAROON na ng storycon ang pelikulang “Maple Leaf Dreams” na pagbibidahan nina L.A Santos at Kira Balingér mula sa JRB Creatives at Star Magic. Ang nasabing pelikula ay iso-shoot sa Canada ngayong Abril and directed by Benedict Maique. Base sa storycon ang Maple Leaf Dreams ay tungkol sa couple na sina Molly at Macky who are fighting for their place in Canada for the sake of their families.

Pahayag ni Kira” Through this movie maipapakita po namin ‘yung mga OFW. Ang trabaho po nila ay yun lang ang nakikita ng mga tao. Pero with this movie,ipapakita po namin ‘yung struggles and what happens behind closed doors. Yun yung talagang struggles from the bottom and how you work your way up”. Sabi naman ni LA,” Kabado at excited at the same time. Alam ko na maganda ang kalalabasan ng movie dahil si Direk Beni po ang namamahala.”. Hindi na bago ang pagsasama nila LA at Kira dahil nagkasama na ang dalawa sa Mar’s Ravelo’s “Darnà”, kàmakailan lang.

Naging bahagi rin ang dalawa ng seryeng “Ang Iyo ay Akin”, with Jodi Sta.Maria at Isa Calzado. Tungkol naman kay Direk Beni, nakaka-relate daw siya sa istorya ng Maple Leaf Dreams dahil malapit ito sa kuwento ng kanyang buhay “This is actually a passion.project for me because ang wife and son ko ay nandoon sa Canada. So it’s very personal also and I know a lot of you nahihirapan .dito.”. Alay ito sa kuwento ng ating mga Pinoy OFW at sa iba’t ibang parte ng mundo, mga nagtatrabaho sa Dubai,Kuwait at iba pang bansa. “So this is their story and we want to present to you,” sey pa ni Direk Beni.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *