

PINABILIB naman kami ng aktor na si John Arcilla dun sa thanksgiving/meryenda cena treat ng Sarangola Productions ni Ms.Edith R. Fider para sa mga officers at members ng Phillipines Movie Press Club, Inc thru the effort of katotong Leo Bukas at Pilar Mateo. Bakit kanyo kami napabilib ni John Arcilla? Eh, kasi bumirit siya ng kantang may lyrics that goes…’rivers belong where they can ramble…eagles belong where they can fly…’ at kering keri niya in pernes, ha! May pa-dance dance pa siya na tipong ang awra niya that day ay bagets pa or tipong pa=bagets. Hindi lang pala siya magaling na aktor lalo na sa ABSCBN TV series niya ngayon titled ‘Dirty Linen’ kundi meron din siya palang good singing voice na puwedeng magkaroon siya ng solo concert sa true lang. At sa awra niya that day while sing and dance siya ay hindi naman masasabing siya ang tipong ‘Dirty Old Man’ kahit na tipong senior na siya. Senior na nga ba si John? Just asking lang po, hehehe.

NAKALAYA na sa wakas si Tindeng (Charo Santos) mula sa pagkakabilanggo pagkatapos siyang piyansahan ng apo niyang si Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo,” napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Dahil kulang-kulang ang kanyang pera, naging desperado si Tanggol na maka-ipon pang piyansa sa kanyang lola kaya napilitan siyang nakawan si Roda (Joel Lamangan), ang mapangabusong landlord na kaaway ni Tindeng kaya ito nakulong.
Nangako na sana si Tanggol sa kanyang sarili na titigilan na niya ang pagnanakaw pero mukhang mahihirapan siyang tuparin ito. Miserableng-miserable na kasi siyang maka-ipon para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ngunit mas lalo lang lumalaki ang hidwaan niya sa mga magulang niyang sina Marites (Cherry Pie Picache) at Rigor (John Estrada). Samantala, totodohin na ni Ramon (Christopher de Leon), ang totoong ama ni Tanggol, ang paghahanap niya sa nag-iisa niyang anak. Pinapalakas na ni Ramon ang kanyang mga iligal na negosyo dahil plano niya itong ipamana lahat kay Tanggol kapag nag-krus na ang kanilang mga landas. May pag-asa pa kayang magbagong buhay si Tanggol? Magtatagumpay ba si Ramon sa plano niya kay Tanggol?
