may sariling closet sa opisina….. ACTOR/POLITICIAN, BIDA BIDA SA KONGRESO
EKSENADORA ang actor-politician (AP) every time kasama siya sa hearing sa isang malaking institusyon sa bansa. Laging pabida si actor-politician at laging galit, ha. May mga pagkakataon pa na inaaway at sinisigawan niya ang mga bisitang inanyayahan sa meeting. Na kung tutuusin ay mas mataas pa ang pinag-aralan sa kanya at eksperto sa kani-kanilang profession. Feeling marahil ni AP ay nasa set siya shino-shoot na pelikula at syempre pa, siya ang bida.
At dahil feeling big star at bida pa rin, nakaka-mahigit tatlong palit ng damit sa isang araw si AP. Napansin kasi ng mga kasamahan niyang politiko, kada-apir ni AP sa meeting ay iba ang suot nitong damit sa isang araw. Costume change syempre si pa-bida at pa-star na AP. Gaya sa shooting at taping, bawat eksena, iba ang outifitan. Ganoon lang ‘yun. Kampante si AP na magpapalit-palit siya ng damit sa isang araw dahil sandamakmak pala ang dala niyang outfit sa loob ng kanyang office. Trulikilili….may sariling wardrobe area ang AP sa kanyang opisina. And for sure, ang kanyang kikay na wifey ang kanyang wardrobe consultant. Sa misis pa lang niya, tiyak na mga kilalang brand daw ang outfit ni AP. Plus, marami rin sigurong nagbibigay kay AP ng kanyang ng outfits.
Clue: i-tweet-tweet ko na lang ung clue. Take time to find out my twitter account. Yun lang. BY: JULIE BONIFACIO