after BTS……. ARCI MUNOZ, KOREANONG AKTOR NAMAN ANG PUNTIRYA

after BTS……. ARCI MUNOZ, KOREANONG AKTOR NAMAN ANG PUNTIRYA

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

ONE of the highest paid Korean actors ang nakatakdang maging leading man ni Arci Muñoz sa upcoming movie project niya under NDM Studios ni Njel de Mesa, titled “Jeje Vu.” Si Njel din ang magdi-direk ng movie na isho-shoot sa Jeju at Seoul in South Korea next month. Habang si Arci naman ang creative director. Kung ‘di magkakaroon ng aberya, magaganap ang contract signing ng sikat na Korean actor first week of April.

Ayon kay Direk Njel, “Matagal na naming gustong gumawa ng pelikula sa Korea. Syempre, pangarap po ni Mona, ni Arci, na magkaroon ng pelikila sa Korea. Tapos, isang gabi na nagpre-production kami sa Jakarta (Indonesia) after our shoot. Tapos, sinabi ko, ‘Teka lang. Parang nangyari na ‘to. Nakupo ka d’yan. Nakaupo si Ms. Jan (Direk Njel’s wife) dito.’ Sabi ko, ‘De Javu.’. Tapos sabi ni Arci, ‘Direk, you’re in the perfect place. We’re in the right track. ‘Pag na-experience mo ‘yung ‘jejevu.’ “E, nu’ng sinabi niya ‘yung ‘jejevu’ joke namin ‘yun doon sa pelikulang gagawin namin sa Jeju island, gagawin naming jejewon dapat. So, parang rumehistro sa akin ‘yung dati niyang sinabi na ‘jejewon’ nu’ng sinabi njya ‘yung ‘jeje.’ Tapos, hanggang sa kinuwento ko na sa kanya ‘yung isang old script na ginawa ko na before which was ‘Doon Lang.’ Na tungkol sa dalawang tao na nagtatagpo lang sa panaginip nila. Bumabangon sila hindi nila kilala ang isa’t isa pero alam nila nagkita sila sa panaginip nila at gusto nilang hanapin ang isa’t isa.”

End of April nakatakda ang shooting nila sa South Korea. Sa capital city ng South Korea which is ang Seoul at sa Jeju island sila magsho-shoot for almost a week. When asked kung sino ang Korean actor na kinukuha nila bilang leading man ni Arci sa movie, “Sa presscon mari-reveal na po namin. Kasi ngayon hinihintay lang po namin ang pirmahan ng kontrata.” Kaya hopia na lang ang mga Ka-Army ni Arci na sana kahit isa sa members ng sikat na K-Pop group na BTS. Knows naman sa marami na isang certified BTS fan si Arci.

Kwento ni Arci, “Hindi po ako ang pumili sa kanya. Basta binigay siya ni Lord. Very optimistic lang ako’ng tao. I go with the flow and I believe like everything that happens in this world talagang binibigay ng universe sa akin. So, kung ano ‘yung dumating, nu’ng time na naguusap kami about this ang galing! What happened was bigla siyang nag-pop. Pinag-uusapan lang namin siya, as in out of nowhere. Nakwento ko lang kay Direk. Hindi pa namin ito napapag-usapan. Nagsho-shooting pa kami sa Indonesia. Doon ano, nagbi-beer lang ako. Chill lang ako. Tapos biglang, ‘Direk, kapag gagawa tayo ng pelikula, eto tingnan mo, Direk, o.’ Sabi namin, ‘Hmp, baka hindi natin kaya ang budget njyan kasi mahal ‘yan.’ Sabi ko naman kay Direk, ‘Oo, Direk. sigurado kasi one of the highest paid actors ‘yan sa Korea. Tapos, biglang nakita namin, ‘Huh?! Direk! Direk! It’s a sign!’ Lumabas kasi sa cellphone ko. Kasi, pagbukas ko na pagbukas ng social media ko, picture niya (ang lumabas).” Kaya ganoon na lang ang excitement ni Arci sa bago niyang proyekto with Direk Njel. “This is something na I really love. So, hindi ako makapaghintay na mag-shoot na and also this is also my first time to be in Jeju. I’ve never been to Jeju. Lagi ko lang siyang pinapanood. Kasi ano, palagi lang kami sa Seoul like every time I’m in Korea parang ano for business, I have meetings and so, eto ‘yung talagang….basta. Bigla lang kasi siyang dumating. siguro eto ‘yung right time for me to go there. Siguro dati baka hindi pa ako gustong papuntahin ni Lord doon. Talagang wala. I just really go with the flow. So, excited ako about everything. About the story that I want to share to the audience, to all my Kdrama lovers and co-lovers and my co-Armies. Gusto ko silang dalhin sa….kasi ‘yung mga tao nagme-message sa akin ‘san all nasa Korea,’ ganyan. Ganern.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *