COCO MARTIN, NAGING PANAKIP BUTAS NI ALJUR ABRENICA

COCO MARTIN, NAGING PANAKIP BUTAS NI ALJUR ABRENICA

May be an image of 1 person and text that says "RatedR Rated by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com"
No description available.
No description available.

BLESSING in disguise ang hindi pagkakatuloy ni Aljur Abrenica sa pelikulang “Apag” na napunta kay Coco Martin. Last minute ay nagback-out si Aljur sa kabila ng marami na nilang pag-uusap ni Direk Brillante Mendoza. Tila nahiya daw ang ex- husband ni Kylie Padilla dahil hindi ito fluent sa Kapampangan na kailangan sa role. Though taga-Pampanga si Aljur, hindi raw ito ganun kagaling magsalita ng Kapampangan. Dahil si Coco na ang headliner, mas lumaki ang pelikula at pinag- usapan. Nagkataon naman na nagkausap si Direk Brillante at si Coco at nabanggit ng una na may problema sya sa lead actor ng gagawing pelikula.

Nagkataon na break si Coco noon sa “Ang Probinsyano ‘, at sinabi nito na siya na lang. Laking tuwa syempre ni Direk Brillante nung sinabi iyon ni Coco kaya nag-set agad sila ng shooting date. May konting revisions lang na ginawa si Direk sa script dahil hindi fluent si Coco sa Kapampangan. Had Aljur knew na hindi naman kailangang fluent sa Kapampangan, sana’y naayos iyon at baka sakaling sa kanya pa rin napunta ang napakalaking break niya sana bilang Isang artista. Bale nagsilbing reunion din ang “Apag” kina Jaclyn Jose, Julio Diaz , Mercedes Cabral at Primetime King na si Coco na nagkasama noon sa “Serbis” na nanalo ng maraming award internationally. Kasama rin sa naturang pelikula na lahok sa Summer MMFF 2023 sina Gladys Reyes, Vince Rillon, Rosanna Roces at Senator Lito Lapid.

No description available.

DATING BOLDSTAR MYRNA CASTILLO, BALIK-SHOWBIZ

SPEAKING of Coco, patuloy ang pagpapahalaga nito sa mga datihang artista na inactive na sa showbiz upang mapasama sa ” FPJ’s Batang Quiapo” na hindi pa rin natitinag bilang numero-unong pinapanood sa telebisyon sa primetime. Ang latest na binigyan nya ng trabaho at makabalik sa telebisyon ay ang former sexy actress na si Myrna Castillo.

Matatandaan si Myrna sa mga pelikulang ” Virgin People’ ni Direk Celso Ad Castillo sa original version, “Materials Fuertes” at marami pang iba na nagpatingkad sa pangalan ni Myrna bilang in demand at hottest sexy siren nung araw. But gone are the days na uso ang mga ganung tema ng pelikula kaya medyo mawala sandali si Myrna sa showbiz. For a time ay hinarap nito ang personal na buhay, nagkaroon ng pamilya , anak at negosyo na for a time ay dun muna siya nag- focus.

Pero may kasabihan na , ‘once an actress will always be an actress’ kaya naman na-miss din ni Myrna ang pag- arte. Then came an offer from the Primetime King mismo na kaagad syang pumayag dahil aside from the fact na it’s Coco’s, maganda rin ang role nya na hindi nya kailangang magpa-,sexy.

Thankful si Myrna kay Coco dahil gabi- gabi nga ay napapanood sya kasama ang mga maraming sikat na artistang kasali sa show. Wish namin na dumami pa ang mga tv project ni Myrna at makagawa ulit sya ng pelikula kung saan ang husay niya sa pag- arte ang mapapansin. ‘Yun na!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *