sa relasyon ng kapatid at ex-bf ng kaiibigan… YASSI PRESSMAN, NILAPITAN ANG BFF NA SI NADINE LUSTRE.

sa relasyon ng kapatid at ex-bf ng kaiibigan… YASSI PRESSMAN, NILAPITAN ANG BFF NA SI NADINE LUSTRE.

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.
No description available.

MARIING pinabulaanan ni Yassi Pressman na hindi sila in good tems ng kanyang kaibigang si Nadine Lustre dahil sa pagputok ng balitang naging magsyota ang kanyang bunsong kapatid na si Issa Pressman at ang ex bf ni Nadine na si James Reid. Maaalalang 2020 ng pumutok ang balitang may namumuong relasyon sina Issa at James na naging dahilan para i-bash ng mga fans nood nina James at Nadine ang kapatid ni Yassi na later on ay namatay din ang nasabing issue. At ng muling umingay mang balitang relasyong Issa at James ay si Yassi naman ang naging target ng pamba-bash at dito na nga lumabas ang balitang on the rock ang friendship ni Yassi at Nadine. Pero ayon sa star ng TV 5 “Kurdapya”, nakapag-usap na raw sila ni Nadine at okey silang dalawa lalo na’t masayang-masaya si Nadine sa kanyang bagong pag ibig na si Christophe Bariou.

No description available.

PINOY CANADIAN IDOL NASA BANSA

NASA Bansa ngayon ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura at ang bunsong kapatid nitong si Brian para i-check ang kanyang mga negosyo sa bansa at makapa-record ng isang kanta. At isa nga si Ramil sa naging espesyal na panauhin sa GMA Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay na ginanap sa Ever Commonwealth sa pangunguna ni Ms Mel Tiangco. Nakasama ni Ramil sa nasabing event ang mga DJ’s ng Barangay LSFM 97.1 na sina Papa Dudut, Papa Ace at Janna Chu Chu. Tess Bomb, JM Enriquez, XOXO, Mj Calma, Avon Rosales, Jemuel Luciano, Klinton Start, Godwin Clifford, atbp. Nakatakda ding mag gueat si Ramil sa iba’t-ibang TV shows at radio program sa bansa at sasamantalahin na rin nitong makalibot na makapaglibot sa Pinas.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *