WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM

MAGKAMAG-ANAK NA SHOWBIZ ACTORS, MAGALING MANG BUDOL

NAKAKALOKA ang kuwentong nasagap namin mula sa Isang sikat na comedy bar host tungkol sa magkamag- anak na kapwa celebrities. Ang unang kuwento ay tungkol kay actor-director na masyuba. Laman daw ito ng casino at pag inaalat ay text brigade agad ito sa mga friends including kay comedy bar host na nangungutang. Ilang beses na daw ito nagtext sa kanya pero dedma lang si comedy bar host at ayaw patulan itong si masyubang actor-director.

Sa kabilang banda , si actress naman na kamag-anak ni masyubang actor-director ay nainvolved sa Isang production sa paggawa ng pelikula kung saan sa kanya ipinagkatiwala ang paghawak ng pera. In short, EP( Executive Producer,) ang hitad. Sa bansa pa ng mga sakang ang shooting ng movie kaya malaki ang budget ng pelikula. Nung magsisimula na ang pelikula, nawawala si actress. So hindi natutuloy ang pelikula.

Dahil nawawala nga sya, walang choice ang producer kundi ituloy ang pelikula na may bagong budget. Kapag nakatapos na sila, magpaparamdam na si actress. Parang walang nangyari na may pera syang itinakbo at super chummy pa ito sa producer at mga staff. Dahil rich ang producer, dedma na lang sila sa tsika ni actress pero never again na pagtitiwalaan nila ito.

CLUE: Mula sa kilalang angkan ng mga artista ang dalawang ito. Si masyubang actor- director ay may natapos na pelikula kung saan ka-sisteraka niya ang bida, while si actress ay sumikat noong araw at na-link pa sa Isang dating mayor ng NCR at isang artista rin. BY: RONALD RAFER

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *