ANDREW MUHLACH TYPE MAGING ‘PAPA’ SI MIKOY MORALES

ANDREW MUHLACH TYPE MAGING ‘PAPA’ SI MIKOY MORALES

May be an image of 1 person and text that says "Merz T ELLIN BY: MERCY LEJADRE Email add: mercielejarde@yahoo.com"
No description available.
No description available.

SI Andrew Andoy Muhlach ang next showbiz working boy from the Muhlach family na sinimulan nang kanyang Tita Nena aka Amalia Fuentes ( SLN_) many years ago. He is the youngest brother of Aga, Arlene at Almira Muhlach at lahat sila ay iisa lang ang biological father na si Alvaro Cheng Muhlach na sumakabilang buhay na rin at bago ito namayapa ay ipinagbilin nito kay yours truly na alagaan ko rin sa publicity ang kanyang bunsong dyunak na si Andrew or Andoy nga.

And now, Andrew or Andoy Muhlach ay isa sa lead stars ng Viva Films “Working Boys 2: Choose Your Papa” showing this coming March 29, 2023 in theaters nationwide kung saan bibida rin sina Wilbert Ross, Mikoy Morales , Vitto Marquez at Nikko Trinidad bilang mga “Working Boys 2: Choose Your Papa” rin. Sa preskon ng said movie ay exclusive kong na-interview itong si Andrew or Andoy Mulach and asked him kung sino sa kanyang mga co-stars ang pipiliin niyang maging Papa in real life if ever? Si Wilbert, si Mikoy, si Vitto or si Nikko? Papa as in Father at hindi Papa as in dyowa ha!

At ang mabilis niyang sagot ay…”Si Mikoy Morales po.” Bakit si Mikoy? “Kasi po mas may experience siya sa aming lahat sa lahat ng bagay. So feeling ko siya talaga as working boy at maging magaling na working Papa. Pero si Wilbert Ross po as working boy ay pipiliin ko rin kasi si Wilbert ano yan…sobrang sipag. Kasi pag nawawalan siya ng projects or work, gagawa siya ng paraan para makapag-trabaho. Kumakanta siya, sumasayaw siya, lahat ng kaya niyang gawin ginagawa niya para lang magka-work.” ang katuwiran niya.

Since galing siya sa Pamilya Mulach, susundan pa niya ang yapak nina Aga, Nino, Arlene, Almira pati na ang namayapa niyang Tita Amalia Fuentes aka Nena Muhlach? “Siguro po, siguro po. Sana, pero ayan ang turo nga po sa akin ng Papa ko (referring to his late father in real life na si Alvaro Cheng Mulach) may kanya-kanya kaming mga talent kumbaga, thankful lang ako sa kanila dahil lagi po silang andiyan para sa akin at gina-guide nila ako parati.” ang kanyang pagtatapos na kasagutan for my interview with him.

At malamang ang susunod naman na working boy in showbiz world natin ay ang anak ni Nino na si Alonzo Muhlach na ngayon ay tipong nasa tipong teen stage na rin. Saka in pernes, lahat ng mga Mulach ay may mga fezlak na tipong artistahin talaga sa true lang. Ang tanong ng mga Mosang as in tribu ng mga tsismosa ay sino raw ba ang mas guwapo, si Aga o itong si Andrew Andoy Muhlach? At madaig kaya niya ang tinamong kasikatan nang isang Aga Muhlach in our showbiz industry? At sinex daw sa magkapatid ang habulin ng mga tsiks at baklitas? Well, your guess is as good as mine. Pak, yun na!

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *