CARLA ABELLANA, BACK TO NORMAL

CARLA ABELLANA, BACK TO NORMAL

May be a graphic of 1 person and text that says "Merz TELLINO BY: MERCY LEJADRE Email add: mercielejarde@yahoo.com"
No description available.
No description available.

PARA sa mga kabataan noong dekada 70″s ay tipong throwback cum flashback sa kanila ang newest version ng “GMA7 Voltes V Legacy”( the cinematic experience) na mapapanood sa Kapuso primetime series. Kaya no wonder kung bakit ang mga GMA Artists na belong sa Millenial generation tulad nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Raphael Landicho, Radson Flores at Ysabel Ortega ang tipong gumanap as grupong Voltes V pero siyempre hindi lang sila ang mga bida dito kundi kasama rin sina Carla Abellana, Dennis Trillo, Albert Martinez, Max Collins, Gabby Eigenmann and a lot more. Bongga ang Pinoy Version lalo na sa mga visual effects, in pernes. Nadinig namin ay ginastusan ng husto as in sobrang laki raw ng budget ang inilaan dito ng Kapuso Network na for sure ay kahuhumalingan ng mga kabataan ngayon ang panonood nito sa telebisyon at malamang pati mga senior citizens na ay mahumaling din sa panonood nang nasabing Voltes V Pinoy version na tulad din nang kinahumalingang Japanese version noong dekada 70’s.

Si Miguel Tanfelix ang tipong standout among the actors dito who perfectly transforms into a brooding Steve with the way he effectively portrayed the role and delivered the lines as in he has truly grown so much as an actor pero lahat naman ng cast dito ay pawang mga tipong amazing rin ang arrived sa screen, noh. Hindi rin naman sila nagpakabog sa acting ni Miguel, ha. Kaya hindi puwedeng sabihin na si Miguel Tanfelix lang ang nagdala ng serye, devah naman mga Maritess, mga Mosang at mga Marng tisol?

Say yes, yun na! Pansin rin namin na tipong blooming again at freshness uli ang byuti ni Carla Abellana at tipong naka-move on na sa hiwalayan blues nila ni Tom Rodriguez as husband and wife in real life, ha. Well, puwedeng i-konek sa saying na ‘Time heal as all wounds’ ika nga. Si Dennis Trillo ang escort ni Carla ay pansin rin namin na tipong bumata ang itsura na napagkamalan naming belong pa rin sa millenial generation. Eniwey, congrats sa buong cast at production staff lalo na sa kanilang director na si Direk Mark Reyes dahil bonggang bongga ang bawa’t eksena lalo na ang mga visual effects sa true lang. Kaya yung mga hindi pa nakapanood sa mga sinehan nitey ay abangan nyo na lang ang airing sa Kapuso Primetime and for sure bata man o matanda ay mag-e-enjoy sa panonood, pramis!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *