kain at kaldero…… OLD FASHION BEA BINENE KAKAIBA ANG MGA TRIPS SA BUHAY

kain at kaldero…… OLD FASHION BEA BINENE KAKAIBA ANG MGA TRIPS SA BUHAY

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

HINDI mahilig mag-night out or pumarty ang bagong Viva artist na si Bea Binene. Hindi raw niya trip ang ganitong klase ng life style at hindi siya nag-i-enjoy dito. Wala ring pakialam ang dalaga kahit pa tawagin siyang ‘old fashion’ dahil sa pagiging konserbatibo ng kanyang pananaw sa pakikipag-party sa gabi. “Parang by nature po talaga ganun na ako, eh. Kasi ako rin, ayoko rin na parang ang ingay, ganyan. Eh, ako lagi ko ring kasama si mama, di ba, so parang si mama 8 p.m. pa lang, ‘Nasaan ka na, hindi ka pa ba uuwi? Ganyan. Tapos ako rin parang, kunyari yung typical night, kumbaga yung day out ko, night out ko mas gusto ko yung naggo-grocery, tapos gusto ko yung bumibili ng mga kaldero sa bahay – yon pong mga ganun. At saka hindi rin kasi ako bumabarkada rin talaga. I mean, konti lang po yung mga kaibigan ko. So hindi rin ako yung parang paa-labas talaga po, ganun,” kuwento ni Bea. Ekslusibong nakausap namin si Bea sa ginanap na mediacon ng Viva One series na “Rain In Espana” na mula sa ilalim ng direksyon ni Theodor Boborol.

Dagdag pa ni Bea, kahit may pagka-conservative siya ay hindi naman daw niya masasabing na-miss niya ang pag-ie-enjoy sa kanyang teenage life na puma-party. “Minsan, sadyang hindi lang talaga ako puwede, na parang may trabaho po ako. Yung mga kaibigan ko alam naman nila na hindi talaga ako puma-party. Hindi ako yung, ang mga kaibigan ko umuuwi 3 a.m., ako po hindi ganun, eh, so alam na nila yon so hindi na nila ako yayayain. Pero yung mga friends ko kapag dinner o kaya lunch, ayun niyaya po nila ako. Marami din po kasi akong friends na older din sa akin, yung mga ate-ate ko, so siguro dahil din doon, yung influence din na yung group of friends ko kasi also para sa akin malaking factor yon, eh. Na yung lifestyle mo ay depende rin yon sa mga taong nakapaligid sa yo. So siguro ganun din po siguro, sadyang hindi rin talaga rin ganun yung trip ng mga kaibigan ko… Like yung ibang mga friends ko, lumalabas kami ang ginawa namin nag-painting kami or niyayaya akong mag-pottery, yung mga ganun. I would prefer that kaysa party tayo. Mas gusto ko yung ganun – pottery, magpamasahe tayo pa-foot spa tayo, mga ganun. Para sa akin, hindi naman porke’t hindi ka na puma-party, eh, boring ka na. Ang dami namang ways to spice up your life and to make your life interesting,” deklara pa ni Bea.Eh, kumusta naman ba ang kanyang love life?

Nakangiting tugon ni Bea, “I’ve always wanted to have that part of my life na ano talaga, private talaga. Kasi wala lang, parang siyempre dito na po ako lumaki, 19 years na ako sa industry so parang yon yung sobrang natutuwa ako na parang… Hindi naman lahat kasi kailangang sabihin sa lahat, di ba? Sadyang mas gusto ko lang talaga and mas masaya kasi na ganun , yung hindi parang away from ano. Tsaka dalawa naman kayong nasa relationship di ba, hindi naman kailangan kasama lahat.” Samantala, ang “Rain In Espana” ang first project ni Bea sa Viva pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa kumpanya. “Naku, natuwa po ako kasi noon pong nagsa-sign ako, akala ko nag-start na talaga ito so may cast na talaga. Tapos nakakatuwa kasi nag-send na po ng schedule and natuwa talaga ako kasi university series siya so hindi siya isa lang, so ibig sabihin may work ako. Maganda po talaga yung series, and hindi pa kami nag-i-start parang tapos ko na basahin yung buong series. Sobra po akong natuwa na yung unang project ko sa Viva sobrang fun, ang gaan katrabaho po ng lahat and also si Dired Ted kasi ngayon ko lang po siya nakatrabaho,” masayang pagtatapos ni Bea.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *