RICO BARRERA, MAY LAHING KABAYONG MOLA

RICO BARRERA, MAY LAHING KABAYONG MOLA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

NAKILALA si Jay Manalo sa pelikulang ‘Totoy Mola’ at nabansag na rin ito sa magaling na aktor, ngayon naman ay si Rico Barrera ay binabansagang Kabayong Mola dahilan sa pinakita niyang ‘kadakilaan’ sa maituturing na first ever lead role movie niyang “Kabayo”, kasama sina Julia Victoria, Ping Medina, Angelo Ilagan and two newcomers, Apple Castro and Mara Flores. Directed by Gianfranco Morciano and streaming in all Vivamax apps starting May 26. Dahil nakasanayan si Rico ng kanyang mga followers sa patweetum image ay marami ang nagulat sa pagbabagong imahe ni Rico, into daring and sexy actor.

“I am now 38 years old at sabi nila, may ilalaban pa naman, I can still go sexy raw, so heto, I’m doing sexy bed scenes in ‘Kabayo’, ang say ni Rico. Sa movie na “Kabayo” ay mister ni Julia si Rico. Papel na isang misis na sobrang aktibo sa sex itong si Julia at dumating na sa puntong habang tumatagal ang pagsasama nilang mag-asawa ay nagiging sex boy toy na lang ni Julia ang mister na si Rico. “Sa story, Julia comes from a rich family in Tacloban and I work for her brother, si Ping Medina as Max. Palaging may pressure sa akin at work and ang brother niya ang pume-pressure sa akin, and at home naman, si Julia and pume-pressure sa’kin, kasi she’s very sexually active at ang feeling ko nga, she treats me lang as her boy toy. Naging parang kabayo ako rito, a workhorse na pinagtatrabaho sa office ni Ping at pagdating sa bahay, pinagtatrabaho rin ni Julia sa kama. Sa office, lagi akong may hinahabol na deadline. Kayod nang kayod. Sa bahay naman, kayod pa rin, kasi lagi kong iniisip kung paano ko masa-satisfy si Julia sa mga demands niya sa akin sa kama,” ang say ni Rico.

Sa set ng kanilang movie ay madalas na matukso si Rico ng kanyang mga kasamahan na sadyang may lahing kabayong mola raw itong si Rico. Ito kaya ay sa kadahilanan na mayroon siyang daks na nota? “Nagustuhan ng director namin, si Sir Gian Morciano ang look ko na balbas sarado at yung build ko na bagay raw maging kabayong mola,” ang paliwanag pa ni Rico.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *