TICKETS SA BRUNO MARS CONCERT, NAGKAKAUBUSAN

TICKETS SA BRUNO MARS CONCERT, NAGKAKAUBUSAN

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

Bitin ang maraming Pinoy fans ni Bruno Mars sa one night concert nito sa Philippine Arena on June 24 kaya nag-request ang fans ng Filipino-American multiple Grammy winner na magdagdag pa ng isang araw ang concert para makapanood ang mas maraming fans. So, bukod sa June 24 concert ay masusundan kaagad ito ng isa pa sa June 25. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer. Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang “Billionaire,” “Just the Way You Are,” “Treasure,” “Leave the Door Open,” “When I Was Your Man,” at marami pang iba. Hinangaan siya ng marami dahil sa kaniyang galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal at pagiging mapagmahal nito sa fans. Isa lamang siya sa malalaking artists na nakalinyang magtanghal sa Philippine Arena ngayong taon.

Proud naman si Bruno Mars sa kaniyang Filipino roots. Puerto Rican ang kanyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas. Ilan sa mga international singers na matagumpay na nagperform sa Philippine Arena ay ang Seventeen, Blackpink at si Harry Styles.

And speaking of Philippine Arena Complex, aba, eh, libo-lubong katao ang sumugod sa lugar para sa Summer Blast. Ilan sa mga performers na inabangan ng fans ay Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. “Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” wika ni Gloc-9 na tuwang-tuwa sa audience. Nag-post din ang Silent Sanctuaty sa kanilang official page ng “It really was a blast!” Special guest din sa summer blast concert ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre. Ani ng bandang Dilaw, “We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting. “

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *