para maka-penetrate sa industriya? KEANNA REEVES GINAMIT NG PAMANGKIN NG AKTOR NA SI LLOYD SAMARTINO

para maka-penetrate sa industriya? KEANNA REEVES GINAMIT NG PAMANGKIN NG AKTOR NA SI LLOYD SAMARTINO

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.
No description available.
No description available.

Nadamay ang aktres na si Keanna Reeves sa isyu ng pamangkin ni Lloyd Samartino na si Clark Samartino sa talent manager at founder ng Abot Kamay Charities na si Merly Peregnio. Kung saan sinagot isa-isa ni Mommy Merly ang mga rebelasyon ng kanyang dating alagang si Clark Samartino kung bakit ito umalis sa kanyang poder. Iyong patungkol sa sinasabi ni Clark na nasakal siya at nawalan na ng sariling desisyon para sa kanyang sarili.

“Unang una hindi ko siya kilala, may nagpakilala lang sa akin na gusto raw patulong sa akin, nagchat siya sa akin at sabi ko kung gusto mong mag patulong sa akin pumunta ka ng May 14, tandang-tanda ko dahil pumunta si Sachzna Laparan at Jerome Ponce sa bahay at dumating siya at nagpakilala siya. Ang kuwento niya sa akin, sana raw matulungan ko siya sa pangarap niyang naudlot, kaya tanong ko sa kanya bakit? Sabi niya unang- una ang dami niya raw naging manager pinagsamantalahan lang daw siya at pinerahan, at hindi daw siya binibigyan kahit piso yun ang sabi niya. At nung nagkaroon daw sila ng relasyon ni Keanna Reeves akala niya matutupad ang kanyang pangarap, which nagkamali na naman daw siya dahil sakal na sakal na raw dito siya, to the point na pati raw magulang, kapatid niya ayaw ipakiusap sa kanya, kaya tumakas daw siya na ang dala niya ay konting damit niya at yung ibang damit niya ay iniwan niya kay Keanna. Sabi pa niya na pinagselosan siya ni Keanna sa isang fan, kaya galit na galit si Keanna at inaway na siya, ang dami na niyang sinabi at kaya napilitan na siyang tumakas at tinanggal niyang lahat ang kanyang social media accounts as in talagang nagtago siya para maiwasan niya si Keanna. Siyempre ayon sa kuwento niya naniwala ako. Eh ako naman si tanga, pusong mamon naniwala ako maawain at nung tapos na yung shooting ng pelikula sabi ni Direk Ryan Favis magkaroon kayo dapat ng kontrata at si Direk Ryan ang nagbigay ng sample ng kontrata, sabi ko nga pipirma ka ba ng kontrata sabi niya ‘oo pipirmahan ko yan’ at hindi ko siya pinilit, walang sapilitan ito, maganda naman sa isang artist na may kontrata talaga, kaya nagkaroon kami ng pirmanhan. At ng tapos na ang pirmahan nagtapat siya kay Direk Ryan ng estado niya na sinabi na “Direk ako ay hindi na binata at ako po ay may dalawang anak at ako po ay may girl na’. Ang sabi niya sa akin ay pinakasal siya ng nanay niya at magulang nung babae na ang nagknunsinti sa kanya ay yung nanay niya ng mawala siya sa poder ni Keanna at nagkabalikan sila nung girl, pero wala pa siya kay Keanna ay anak na niya yung panganay at nadagdagan na lang nung nagkabalikan sila ning girl kaya may maliit siyang anak na dati itinatanggi niya. Kaya sabi ko bakit ngayon mo lang sinabi, paano kita ipapakilala, alangan namang ipapakilala kita na may dalawa kang anak, tapos yung ibi-build ko may anak, siyempre kailangan ko ay binata pa para tangkilikin, sabi niya ‘okey lang tita’ walang problema po yun naman ang kailangan itago, dahil alam naman natin yung mga fans kapag meron ng ganyan ayaw at agree siya dun, tapos ngayon sasabihin niya ako yung nagtago, same scenario sakal! Ganyan din ang kuwento niya tungkol sa akin kay Keanna. Kaya Clark magbago ka kung gusto mong mabago ang buhay mo at para makamit mo ang pangarap mo lumingon ka naman kahit papano sa pinanggalingan mo at tumanaw ka ng utang na loob.”

Sinagot din nito ang tanong na hindi daw nito binayaran si Clark sa pelikulang ginawa ng actor. “Sa tingin mo kaya kong gawin yan?, alam mo na hindi ako marunong mang-agrabyado ng tao, ako po ay nagkaroon ng charity foundation dahil gusto kong tumulong, kaya kung ako ay gusto niyang siraan pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ang Diyos na ang bahala. Sige siraan mo ako hangang gusto mo, dahil karapatan mo yan sariling bibig mo yan. At yung sinasabi niyang hindi siya bayad sa pelikulang ginawa niya, yung 30 thousand na binayad ko sa kanya, kulang pa ba para sa katulad ng baguhan na sinugalan ko para magkapelikula dahil isa yun sa pangarap niya, may ebidensiya ako kaya wag niyang sabihin di siya bayad.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *