ANDREA BRILLANTES, NAG-IIBA ANG PAGKATAO PAG NAKA-DRAG

ANDREA BRILLANTES, NAG-IIBA ANG PAGKATAO PAG NAKA-DRAG

May be an image of 1 person and text
No description available.

AMINADO ang young actress na si Andrea Brillantes na bata pa lang siya ay fascinated na siya sa mga drag queens, as in sa kanilang kasuotan at mga heavy make ups and extra ordinary accessories. Kaya ganun na lang ka-excited si Andrea nang i-alok sa kanya ang upcoming iWantTFC series na “Drag You & Me”. “Pag naka-drag make up ako feeling ko ang perfect-perfect ko, as in. Iba ’yong confidence na nabibigay n’ya sa akin Ever since po kasi nu’ng three years old ako nagmi-makeup na po talaga ako. And then nu’ng nagka-lockdown nu’ng early pandemic biglang nanood ako ng RuPaul’s Drag Race. Tapos super akong natuwa. So, nu’ng medyo maluwag na pina-call ko ’yong glam team ko. Sabi ko, ‘Tara, mag-drag makeup tayo.’ Tapos nu’ng unang beses pa lang, nu’ng nagawa ko na si Valentine Royale [her drag name], ibang-iba po s’ya sa everyday make up ko,” ang say ni Andrea.

No description available.

Sa seryeng ‘Drag You & Me”, gaganap si Andrea dito bilang si Betty, ang estudyante na magpapanggap na beki at rarampang drag queen para matulungan ang na-bankrupt n’yang pamilya. Dalawa sa magagandang member ng Golden Gays, samahan ng mga beke na nagkakaedad na sa Pilipinas, ang napasama sa naturang drag series. Sina Si Rico Reyes AKA Elizabeth Oro Medez at si Flor Bien Jr AKA Divine Amparo.

Ang dalawa ay papapel bilang mga kaibigan matalik ni Jon Santos na gaganap naman bilang kamag-anak at kasama sa bahay ni Andrea. Kaya nagtulong-tulong ang mga beke para sa ikakatagumpay ni Andrea sa pinasok na larangan upang masagip ang problema ng kanyang problema. Ayon kay Golden Gay Elizabeth Oro Medez, as a drag queen, magaling si Andrea lalo pa sineryoso nito ang kanyang papel bilang isang beke kahit babae siyang tunay. Pasado para kay Elizabeth si Andrea. Say naman ng equally beautiful golden gay na si Divine Amparo, pak na pak si Andrea bilang drag queen, masasabi ngang drag queen. At kung sakaling magkaroon ng episode 2 ang ‘Drag and Me” ay payo ni Divine Amparo na maglevel up si Andrea at mas maging pabulosa sa pagiging drag queen dahil kering-keri naman niya gawin iyon.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *