FORMER SEXY ACTRESS CHINA ROCES, GRADWEYT NA SA PAGPAPASEXY

FORMER SEXY ACTRESS CHINA ROCES, GRADWEYT NA SA PAGPAPASEXY

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

IPINASILIP Actress and social media influencer China Roces ang kanyang baby bumps na balak niyang i-post sa kanyang social media account very soon para ibahagi sa kanyang followers and subscribers. Pang-apat na anak na ito ni China. Ang naunang tatlong anak ni China na edad 15, 12 at 3 years old ay sa nakaraang relationships niya. Bale ang ipinagbubuntis niya ngayon na sinadyang huwag muna nilang alamin ang gender ang ang first child nila ng non-showbiz husband na si David Santos. Ikinasal ang dalawa noong December 7, 2022. Nagsimula bilang calendar girl at sexy star si China bago siya naging sikat na vlogger.

Naging calendar girl siya ng isang sikat na brand ng alak at dalawang beses naging FHM cover girl. Naging bahagi rin si China ng day-time teleserye na ‘Be Careful With My Heart’ bilang isa sa mga kaibigan ni Jodi Sta. Maria na gumaganap naman noon bilang Maya. May mga alok pa rin daw hanggang ngayon sa kanya na magpaseksi sa ilang film projects pero ayaw na niya itong tanggapin.

“Parang graduate na ako diyan. Hahaha. Ayaw ng mga anak ko, kaya ayoko rin,” dahilan niya. May halos tatlong milyong followers at subscribers si China sa Facebook, YouTube at Instagram. Lifestyle, business, travel at may cooking din ang kanyang mga content.

Karamihan sa followers ni China ay mga nanay na nakaka-relate sa kanya bilang isang mommy. About her pregnancy, walang morning sickness na nai-encounter si China except sa lagi lang siyang mahihiluhin at madalas antukin. Madalas din siyang mag-crave ngayon sa matatamis na pagkain pero fish ang una niyang napaglihihan.

Bilang isang sikat na social media influencer ay hiningi na rin namin ang reaksyon ni China sa shout out ni Rendon Labador na ‘laos’ na ang mga celebrity o artista at silang mga influencers ang totoong powerful ngayon dahil sa lakas nila sa social media. Ano nga ba ang opinyon niya dito? Sagot ni China; “Ang masasabi ko po, tingin ko kung social media ang gagamitin mas malakas talaga kami ngayong mga influencers pero kung sa image po at personality I think iba pa din pag mga celebrities. Kasi sila, dumaan na from the scratch. I mean, bago nila narating yung pangalan nila ngayon ay naghirap muna sila sa mga auditions, etcetrera, hanggang sa nabuild nila through the years yung kanilang pangalan.” “In short, mas powerful pa rin para sa akin ang mga celebrities kesa sa mga influencers,” giit pa niya. Bukod sa pagiging vlogger ay isa ring matagumpay na entrepreneur si China. She is the owner of Glamoroces Coffee, China Roces Luxury Boutique, Luxury Gold by China Roces na isang gold business at ng Jhanelle Hair Extension and Spa.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *