KABAYO NINA RICO BARRERA AT JULIA VICTORIA, PANG GRAND DERBY SA KASEKSIHAN

KABAYO NINA RICO BARRERA AT JULIA VICTORIA, PANG GRAND DERBY SA KASEKSIHAN

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

MARAMI sa mga naunan nang nakapanood ng “Kabayo” na streaming now sa lahat ng Vivamax apps ang nagsasabing ito na nga yata ang pinakaseksing pelikulang pinalabas sa Vivamax. Kabog ang iba pang sexy movies. Ang ‘Kabayo” na pinagbibidahan nina Rico Barrera, Apple Castro, Julia Victoria, Angelo Ilagan and Mara Flores ay istorya ng tungkol sa isang mister na ‘workhorse’ sa opisina dahil sa santambak na trabaho na ibinibigay sa kanya at pag-uwi sa bahay, pinapagod pa siya ng asawang wala yatang sawa sa sex. Inamin ni Rico na sa lalim ng kanyang karakter sa naturang movie ay hindi na niyang nakuha pang tumanggi na tanggapin ito kahit pa sabihin na karamihan sa mga eksena ay ‘mapupusok’ at super hot. Say nga ng producer ng pelikula na si Lito De Guzman ng LDG Productions: “Maraming sex scenes ang pelikula. Maraming threesome scenes. Ito na yata ang pinakamapangahas na bold movie ng Vivamax, basta sobra talaga. Itinodo ko na,” say ni Lito

No description available.

MATTEO GUDICELLI, LAGING ‘BITBIT’ SI SARAH GERONIMO SA KANYANG KAPUSO MORNING SHOW

ILANG araw na rin naman nasisilayan ng mga manonood sa morning show ng GMA-7 ang bagong Kapuso si Matteo Guidicelli, sa ‘Unang Hirit’ kung saan ay araw-araw kada umagang ay napapanood nila si Matteo kasama pa rin naman ang ibang UH barkada sa pangunguna ni Arnold Clavio at Susan Enriquez. Kung nasubaybayan ng mga viewers ang pagsisimula ni Matteo hanggang sa kasalukuyan ay malamang na mapupuna na tila hindi pumapalya itong si Matteo sa pagbati o shout-out sa kanyang misis na si Sarah pati na rin ang lola ni Matteo na nasa Cebu. Minsan nga sa kanilang episode ay ‘napagtripan’ si Matteo ng technical group ng UH. Nagpakita sila ng video kung saan ay first day palang ni Matteo ay nag-greet na siya kay Sarah hanggang sa first 5 days niya sa show. Kaya nga sa sumunod na week niya sa morning show ay natawag na siyang ‘morning greeter’ na hiniritan pa ni Susan na tugmang-tugma sa kanyang inisyal ng kanyang pangalan.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *