ROSE VAN GINKEL, IPAGLALABAN KUNG ANONG MERON MAN NGAYON

ROSE VAN GINKEL, IPAGLALABAN KUNG ANONG MERON MAN NGAYON

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

PANIBAGONG challenge para Sexy Nymphet Rose Van Ginkel ang bago niyang ginagampanan karakter sa latest Vivamax offering and first for their June Playlist, ang “Star Dancer” kung saan ay papapel na kontrabida si Rose kay Denise Esteban na kapwa niya bombshell sa Vivamax at halos kapanabayan sa pagpasok sa showbiz. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami lalong lalo na sa mga solid followers ni Rose na halos lahat ng project na ginawa niya ay nasa ‘bida’ side siya. Ano kaya ang dahilan sa pagpayag ni Rose na gumanap bilang suporta ni Denise sa “Star Dancer”, ns magsisimula ng mag-stream starting June 2 in all Vivamax apps at sa direksyon ni Pam Miras.

“Actually, hindi ko naman concern talaga kung bida o hindi. I love working with Direk Pam na siya kong naging direktor Kitty K7″. Gusto ko ulit talaga siya na maka-work. Isa yon sa reason kung bakit ako nag-yes dito sa project,” ang say ni Rose. Sa movie ay ginampanan ni Rose ang papel ng isang ‘Star Dancer’ sa club hanggang sa ‘mapalitan’ siya sa trono ni Denise at maging ang dati niyang boylet at napasakamay na rin ni Denise Plano ni Rose na bawiin ang dati niyang trono, pati na rin ang puso ni Arron Villaflor. Pero bilang palaban ay hindi siya uurungan ni Denise at wala ring planong isuko ang kung anong meron siya ngayon.

Dito magsisimula ang paligsahan at kompetisyon ng dalawang reyna. Mabawi kaya ni Rose ang mga dating sa kanya? O mananatili pa rin siyabilang nag-iisang star dancer? Sa totoong buhay kaya, gagawin rin ba ni Rose ang lahat para mabawi o maiahon sa kahirapan ang mga mahal niya sa buhay, kahit pa maging isang star dancer sa nightclub? “Why not kung kinakailangan talaga. Siyempre kailangan natin gumawa Ng paraan sa ikagaganda ng ating buhay at ng pamilya natin. Pero kung meron naman magandang trabaho na pwedeng pasukan, why not! Hindi naman sa pagmamaliit ng trabaho ng mga star dancers sa club,” ang say pa rin ni Rose.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *