sa pagbabalik mainstream movie….. JOHN LLOYD CRUZ, HINDI SI BEA ALONZO ANG KA-LOVE TEAM

sa pagbabalik mainstream movie….. JOHN LLOYD CRUZ, HINDI SI BEA ALONZO ANG KA-LOVE TEAM

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

MULING magtatambal sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Bago matapos ang taong 2023, ay gigiling na ang kamera para sa kanilang reunion movie. Sa opisina ng Viva Films sa Pasig City nitong Huwebes, naganap ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa muli nilang paggawa together ng pelikula. Sa Instagram account ni Sarah pinost niya ang litrato nila ni Lloydie na magkasama sa board room ng Viva Films. Ang reunion movie nina Lloydie at Sarah ang ika-limang proyektong pagsasamahan nila.

Una silang nagtambal “A Very Special Love” noong 2008. Ang box-office gross nito ay P185,235,324. Sinundan ito ng “You Changed My Life In A Moment” noong 2009. Kumita ito ng P232,209,42 sa box office. Pangatlo ang “It Takes a Man and a Woman” noong 2013. Nagkamal ito ng P387 million sa takilya. At after 6 years ay nagsama ulit sila sa pelikula via “Finally Found Someone”, na ipinalabas sa mga sinehan noong July 26, 2017. Umabot sa P316.5 million ang kinita nito sa takilya. Lahat ng pelikulang pinagsamahan nina LLoydie at Sarah ay naging blockbuster sa takilya. Siguradong itong reunion movie nila, ay posibleng maging box-office hit din, lalo na’t sabik pa rin ang kanilang mga tagahanga na makita sia na magkasama sa isang pelikula.

No description available.
No description available.

para tumagal sa industriya… “LEAD BY EXAMPLE” -BOSSING VIC SOTTO

ISA si Vic Sotto sa mga artistang nagtagal sa showbiz, na hanggang ngayon ay talagang aktibong-aktibo pa rin sa kanyang showbiz career. Kaya naman sa isang interview niya ay natanong siya kung ano ang maipapayo niya sa mga young stars ngayon na nangangarap ding magtagal sa entertainment industry.

Sabi ni Vic,“Alam mo para sa akin, pinaka-the best talaga is lead by example. ‘Yung kung ano ‘yung makikita nila sa ‘yo, ‘yun ang magbubukas ng mga isipin nila, e. “Pagdating sa trabaho, pagdating sa showbiz like for example being professional, darating ka sa set ready ka. Kapag oras ng trabaho, trabaho. ‘Pag laro, laro,” Isa pa sa nabanggit ni Vic ay matuto at mag-enjoy sa trabaho. “Para sa akin ganu’n yun, e. Hindi mapapantayan ng kahit ano’ng advice o tip ‘yun, e. “Kailangan kung ano ‘yung nakikita nila sa trabaho, pinaka-importante how to be professional and more importantly, kung paano mo i-enjoy-in, kung paano ka mage-enjoy sa trabaho. “’Yung happy ka, hindi mo mararamdaman na trabaho ‘yun, dahil nag-e-enjoy ka, e,” aniya pa.

in fairness kay Vic, wala pa tayong naririnig na naging problema o naging unprofessional siya sa mga pelikula o sitcom na ginagawa niya. Laging good words ang naririnig natin mula sa mga nakakatrabaho niya. Professional talaga si Vic kaya naman nagtagal siya sa showbiz industry. At ganundin dapat ang mg baguhan sa showbiz, para magtagal din sila sa pinili nilang career. Kung magiging unprofessional kasi sila o pasaway, at baka wala nang magbigay sa kanilang ng proyekto, ‘di ba?”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *