


SA panahon ngayon, lalo`t di ka naman ang siyang magpe-perform na artist sa isang concert at back-up ka lang sa artist na magpe=perform ay wala kang karapatan mag-demand ng kung anu-ano (kung totoo nga daming demand). Hindi nga natuloy ang gusto ng G-Force Creative Director Georcelle na ang grupo niya ang maging back-up dancers ni Sarah sa ginanap na 20th anniversary concert ng actress/singer sa Araneta Coliseum noong May 12.
May mga bagong dancers daw ang gustong makasama ni Sarah sa kanyang 20th anniversary concert para mabigyan ng break at exposure. Demand daw ni Georcelle na hindi raw puwedeng gamitin ni Sarah ang dance steps para sa kantang ‘Tala’ kung hindi ang grupong G-Force diumano ang nasa frontline. Bukod pa diumano na may isyung gusto daw ni Georcelle na siya ang magdi-direk ng 20th anniversary concert ni Sarah na hindi nga umubra. Tanong ng mga netizens kung talaga raw ba itinuring na kaibigan ni Georcelle si Sarah sa mahabang panahon nilang pagsasama o baka raw strictly business lang ang turingan nila?
May tsika pa raw na nagpadala ng demand letter si Georcelle sa Viva big boss na si Vic del Rosario at nagpapabayad ito ng P150 K para sa choreography na gagamitin sa nasabing concert kapag hindi ang G-Force ang kasama ni Sarah? Pero kaagad naman inalmahan ito ni Georcelle dahil letter lang daw ang kanyang ipinadala sa Viva at hindi demand letter.
Sabi naman ng isang netizen; “Ganu`n na rin yun.” Sabi naman ni Direk Paolo Valenciano na siyang co-director ni Sarah sa kanyang 20th anniversary concert. “Sarah G is Sarah G at kahit ano pang kanta, kahit anong sayaw, basta kinanta na ito ng isang sikat na artista, lalo na si Sarah G ay tatatak na ito sa mga tao.” Marami ang sumang-ayon sa sinabi ni Direk Paolo na kahit ano pang sayaw o choreography, ibang-iba raw kapag si Sarah na ang gumawa. Pagtatanggol naman ng mga nakapanood ng concert ni Sarah sa mga baguhang back-up dancers na mas bongga raw ang bagong grupo nakasama ng actress/singer sa Big Dome at tila tinalbugan pa ang mga dating back-up dancers.

