WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

WHO-LI KA!!?? BLIND ITEM CORNER

BEAUTY QUEEN/ACTRESS, NAWAWALA SA SARILI PAG NAKAKAKITA NG TIPILYANG T-BIRD

USONG uso ngayon sa mga beauty queens na umaamin na bisexual sila. Puwes, kabog lahat sila sa ating bida na papangalanan natin si Magandang Macheteng Beauty Queen ( MMBQ). Hindi man siyang rektahan umamin na member din ng LGBTQ pero ilang malalapit kay MMBQ ang nagsasabing lumalabas ang pagiging tiboli nito pag type na type niya ang beauty ng isang tomboyita at di na siya umeeme-eme pag nang-aakit. Tumbok agad. Umpisahan natin ang istorya ng minsan pagmamalaki ni MMBQ sa fren niyang si Mosang at nagsabing ‘when I was young, I had many girlfriends.’

Kaya biglang na-curious ang inyong lingkod sa tsika ni Mosang nang minsan napagkwentuhan namin ang sexcapades ng kanyang beauty queen fren. Sino-sino nga raw ba yung limang girlash na naging girlfriends ni MMBQ? Sabi ni Mosang na lider ng mga tsismosa sa showbiz world, yung una lang daw ang tipong kilala niya. Sinex nga ang pangungulit ng inyong lingkod dito kay Mosang. Eto ang naging true confession sa amin nitong si Mosang na isang true blooded Noranians up to now. “Isa siyang sikat na personalidad sa mundo nang ating showbiz world. Isa siyang mapormang T-Bird na nakatira noon sa house ng isa sa kanilang barkadahang tiboli. That time ay hindi pa sikat si MMBQ. Hindi pa siya artista at hindi pa rin beauty queen.

Mga apat na T-bird sila na almost always ay dun nagbababad at natutulog kasama ang ilang baklitas sa house ng isang kabarkadang t-bird. Isang umaga paglabas ng mga tiboli Sa Isang kuwarto after matulog ay nabungaran nila si MMBQ, na childhood fren ng may ari ng house at madalas rin bumisita doon, na nakaupo sa isang sopa and when she laid down her eyes kay mapormang T-bird ay tipong love radiates in her eyes with matching sweet smile.

After that nakaka-join na si MMBQ sa mga music bars at mga disco bars na pinupuntahan ng barkadahang tiboli at gamit-gamit ang kotse ng isang famous designer noon na matagal ng namayapa. Isang gabi habang nakasakay ang mga tiboli sa kotse Ng sikat na fashion designer (SLN) ay sa likod ng kotse magkatabi sina mapormang T-bird at si MMBQ. Si Mosang at si fashion designer ay napatingin sa salamin facing the back seat at nakita kung paano hinablot ni MMBQ ang buong ulo ni mapormang T-bird at kanyang ni-lips to lips ng todo-todo without preno-preno.

Narinig din ni Mosang na inaya ni MMBQ sa Isang hotel sa bandang Malate si mapormang T-bird pero tumanggi itey. “At Ewan kung nasundan pa ang kanilang pagsasama sa mga lakaran at night. Pero tipong Hindi na ata nasundan ‘coz na-love overload noon si mapormang T-bird na karamihan ay mga beauty queens din at siya pa ang pinupuntahan sa kanyang bachelor pad. Kung sinex si mapormang T-bird, hay naku, pahulaan nyo na lang kay Madam Damin.

CLUE. Maraming mga beauty queen wannabes tayo ngayon na iniidolo si MMBQ at ginagaya ang style nito para mapansin sa mundo ng timpalak kagandahan. In perness, naging runner-ups si MMBQ sa isang tinitingalang beauty pageant sa buong mundo na kanyang sinalihan years back. BY: MERCY LEJARDE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *