sa pamamaalam sa noontime show na kinalakihan ng mga Pinoy…. TITO, VIC AND JOEY, DUMAGSA ANG SUPORTA MULA SA MGA SHOWBIZ CELEBRITIES

sa pamamaalam sa noontime show na kinalakihan ng mga Pinoy…. TITO, VIC AND JOEY, DUMAGSA ANG SUPORTA MULA SA MGA SHOWBIZ CELEBRITIES

May be an image of 1 person and text that says "RatedR Rated by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com"
No description available.

TRENDING ang “Eat Bulaga” (EB) last May 31 kahit hindi na inire sa GMA 7. Sa FB page na lang ng EB nagpaalam at nagpasalamat ang mga hosts sa pangunguna nina Sen Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o ang TVJ. Marami ang nalungkot lalo na ang mga supporters ng EB since 1979 na nagsimula ito sa telebisyon. 44 years na sana ang longest running noontime show sa July 30.

May mga nagpahayag ng suporta mula sa iba’t ibang tao na nagmamahal sa EB gaya ni Ice Seguerra. Post ni Ice: “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya? Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalukungkot akong umabot sa ganito. Pero masaya ako dahil malaya na sila.

Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa. Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad. Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maningning na bukas.” Marami pa ang nagpaabot ng suporta sa EB at sa mga hosts nito. Nagpost naman ng mga larawan at logos ng EB sa Instagram nila sina Alden Richards, Maine Mendoza at Ryan Agoncillo tanda ng pagsuporta nila.

No description available.
No description available.

who’s your bet na maging ‘Mare’ NORA – VILMA OR SHARON – MARICEL

MULA mismo sa producer ng “Kontrabida” na si Joed Serrano na inaayos na ang pagpapalabas nito sa Netflix. Yup, you heard it right, hindi sa sinehan ipapalabas ang naturang pelikula ni Superstar at National Artist for Film and Broadcast Ms Nora Aunor. Binalita din ni Joed ang posibleng pagsasamang muli Nina Nora at Vilma Santos sa pelikula na ang pamagat ay “Mare”.

Kapag Hindi raw umokey ang dalawa, maaaring ialok kina Maricel Soriano at Sharon Cuneta. Maganda ang kuwento ng pelikula at equal ang role at exposure ng 2 bida. Exciting kung matuloy sina Sharon at Maricel kung hindi pwde sina ate Vi at ate Guy. Hindi pa nagsasama sa movie project ang dalawa kaya we’re sure na blockbuster yun since matagal ng nag- aabang ang mga fans nila na magsama sila. Kung alin man ang matuloy, Nora – Vilma o Sharon- Maricel, tiyak na labanan sa aktingan ito. Pak na pak iyan!

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *