single but happy…….. SUNSHINE CRUZ ALLERGIC PAGDATING SA PAKIKIPAG-DYOWA

single but happy…….. SUNSHINE CRUZ ALLERGIC PAGDATING SA PAKIKIPAG-DYOWA

May be an image of 1 person and text that says "John S POINT BY: JOHN FONTANILLA"
No description available.

KUNG dati-rati ay bukas na libro para sa lahat ang buhay pag ibig ng mahusay na aktres na si Sunshine Cruz ngayon daw ay mukhang mas gustong sarilinin na lang ng aktres kung may bago ba siyang pag ibig o wala. At ng matanong nga ito ukol sa kanyang lovelife at kung may bago ba itong dyowa ay ito ang isinagot ni Sunshine; “Naku po, Lord! Ayoko!” Dagdag pa nito: “Palagi akong happy because sinong hindi magiging happy sa mga blessings na dumarating? Hindi naman porke’t may love life o hindi, roon ka lang magiging masaya.”

No description available.
No description available.

WILL ASHLEY ALAGANG ALAGA. NG SPARKLE ARTIST CENTER

VERY thankful ang isa sa Kapuso Teen Prime Artist na si Will Ashley sa pagkakasama nito sa kauna-unahang collab serye ng GMA, ABS CBN at Viu Philippines. Ayon nga kay Will na isang malaking karangalan sa kanya ang makasama sa UMH at makatrabaho ang ilan sa mahuhusay na actors sa bansa like Jodi Sta Maria at Joshua Garcia.

Noong una nga raw ay medyo kinakabahan si Will lalo na’t first time niyang makakatrabaho ang mga Kapamilya artists, pero habang tumatagal daw ang kanilang taping ay unti unti ng nawawala ang kaba niya lalo na’t naging pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa at mababait sa kanya ang lahat ng artistang kasama. Nagpapasalamat nga raw ang batang aktor sa pagbibigay sa kanya ng sunod sunod at magagandang proyekto at gayundin sa Sparkle Artist Center sa magandang pag aalaga sa kanya.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *