trying it on their own……. SB19, TULOY ANG LABAN AT PANATAG SA PAGTIWALAG SA DATING PAMUNUAN

trying it on their own……. SB19, TULOY ANG LABAN AT PANATAG SA PAGTIWALAG SA DATING PAMUNUAN

DIVALICIOUS ONLINE BY: ALWIN IGNACIO

No description available.
No description available.

WALA na ang Southeast Asian Superstar Pop Group, ang SB19 sa kanilang dating pamunuan, ang Show BT Entertainment na siyang unang namuhunan at sumuporta sa kanilang karera sa loob ng apat na taon hanggang sa kanilang maabot ang kasalukuyang katanyagan. Wala pang full disclosure kung magkano ang binayad nina Pablo Nase, Josh Cullen Santos, Justin de Dios, Ken Suson at Stell Ajero para manatili sa kanila ang pangalang SB19 na ang may likha at nagbinyag sa kanila ang ang kanilang Korean discoveres. Itinatag nila ang IZ Entertainment, kung saan sila na ang namumuno at nagpapatakbo sa kanilang karera sa concerts, recordings, endorsements, merchandising at iba pang aspekto ng pamamahala.

Sa ngayon, maigting at mainit ang pagtanggap sa kanilang bagong kanta, ang “Gento”. Mula nung ang kanta ay inilabas sa opisyal na YouTube channel ng SB19 nitong Mayo 19, may 2,930,411 million views na ito at mas tumataas ang bilang nga mga nanood dito sa araw-araw. Pumutok na ibat-ibang bansa ang “Gento” dance challenge at maging ang mga local celebrities at ibang P-Pop groups ay gumagawa na rin nito. Sangrekwa na rin ang positive reaction mula sa international reactors sa kanta. May Davao at Bacolod leg ang kanilang Philippine tour.

At maganda ang bentahan ng mga tiket sa America at Canada concerts nila. Umiikot na ang P-Pop Royals sa mga TV show. Una nilang pagtatanghal ang sa “All Out Sundays” sa Kapuso network. Naging panauhin na sila sa palatuntunan ni Luis Manzano kung saan busog na busog ang KenTell shippers sa moments like these nina Ken Suson at Stell Ajero. May “selos” at “bakod” story arc pa nga, huh. Guapong-guapo rin ang lahat sa kay Josh Cullen Santos na naging isa sa mga hurado sa katatapos lamang na patimpalak kagandahan, ang pretishiyosong Binibining Pilipinas.

Balitang mapapanood rin sila sa palatuntunan ni Dingdong Dantes at ang mga endorsement nila ay may mga ispesyal na pakulo para sa kanilang bagong kanta at EP na ilalabas ngayong Hunyo 9. Mayorya ang buo ang pananalig na ang PPop na musika at ispesyal na awit mula sa SB19 ay mangingibabaw sa buong mundo dahil nga talagang may taglay silang swerte, talento at batalyong mga tagahanga na pamoso na bilang mga A’Tin. Sa SB 19, ipagpatuloy niyo lang iwagayway ang ating watawat at ipaalam sa lahat na talagang kay ganda ng Pilipino musika.

No description available.
No description available.

JODI STA MARIA, KAHIT SA LAPLAPAN SCENES PANG BEST ACTRESS ANG DATINGAN

PALAKPAKAN na may kasamang sigawan ang dapat igawad sa unang episode ng ‘Unbreak My Heart.’ Pampelikula ang dating at feels nito. Mabilis pa ang pacing. Panalo ang pagpapakita ng passage of time. At may kakaibang husay na ipinakita ang mga pangunahing bida. Bilang si Rose, ganda-gandahan talaga at picture of a rich wife si Jodi Sta. Maria na gustong takasan ang asawang si Richard Yap. Ang dynamics nila bilang warring couple na talagang patay na ang pagmamahalan at wasak na ang marriage, sa maikling eksena nila sa airport na may ‘aksidente’, well acted at executed scene.

Sa muling pagkikita nila Matteo, ang katauhan ni Yap, gigil pa rin ang ex-husband sa ex-wife at nakakabilib na kumokontrabida ang dating ni Richard nito. Si Joshua Garcia bilang Renz, kuhang-kuha ang timpla at damdamin ng isang OFW na jack of all trades at lahat ng work ginagawa para sa pera. Yung eksena nila sa kotse ni Sta.Maria na eager beaver at pleaser siya, at yung lasing moment niya with matching pagsampal sa sarili at muntik p itong magpatiwakal, simula pa lang ng soap opera nila, pinapakita na ni Garcia na talagang mahusay siya in a major, major way.

At si Jodi na lahat ng emotional struggles ay dama mong internalize, mula sa ayoko na sa asawa ko, hangganf sa gusto kong makita ang anak ko, sa confrontation scene nila ni Matteo na gumuho lahat ng defense niya, at yung pagiging maternal at caring side niya na ipinadama niya kay Renz, Sta.Maria is off to a great start. Isa pang plus factor ng serye ay ang first world ambience of their location, nagdagdag ng layer of detachment at iciness sa mga kaganapan. Umpisa pa lang ang daming reveal na talaga namang nakaka-hook at sure tayong lahat na marami pang dramatic highlights at quiet moments that scream ang pagsasamang ito nina Jodi Sta.Maria at Joshua Garcia. Isinalang na ang laplapan scenes nina Sta.Maria at Garcia at ang inyong lingkod, hindi pa ito pinapanood habang tinitipa ang pitak na ito. Siguradong, maalab at mainit ang halikan nilang dalawa, sa true lang.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *