TV 5 ang bagong tahanan…. ‘DABARKADS’ ANG NEW TITLE NG NOONTIME SHOW NINA TITO, VIC & JOEY?

TV 5 ang bagong tahanan…. ‘DABARKADS’ ANG NEW TITLE NG NOONTIME SHOW NINA TITO, VIC & JOEY?

May be an image of 1 person, money and text that says "hike GO Online allway Ioan deal BY: GERRY OCAMPO"
No description available.
No description available.

WALA talagang forever dahil maging ang matatag na show na “Eat Bulaga” ay nagpaalam na rin sa GMA-7. Sa Facebook account ng EB nagpaalam sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Hinarang nga raw sila mag-live show kaya sa social media sila nagpaalam habang parang normal ang mga pangyayari sa TV dahil replay episode ang nakasalang. Ala-una ng hapon nagsalita na sina Tito,Vic and Joey sa Facebook ng Eat Bulaga.

Sinabi ni Tito Sen; “Pumasok po kaming lahat ngayong araw para magtrabaho, pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere nang live.” Sinabi naman ni Joey de Leon; “July 30, 1979 po, nang simulan namin ang Eat Bulaga…44 years na po ito ngayong taon. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin – ang RPN 9 for 9 years, ABS CBN for 6 years, at ang GMA for 28 years.”

Sabi naman ni Vic Sotto na pigil ang pag-iyak: “Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979.” Dagdag ni Tito Sen: “Ganundin sa inyo, mga Dabarkads—sa mga manonood–sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian. Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na kahit kailan hindi Niya kami pinabayaan.”

Sabi pa ni Vic: “Ito po siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa namin simula 1979, hindi na po namin isa-isahin pa ang laman ng aming puso. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang inaagrabyado at may respeto sa bawat isa. Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay nagpapaalam na sa TAPE, Incorporated. Karangalan po namin na kami`y nakapaghatid ng tuwa`t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay n`yo. Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli. Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo`t isang tuwa.”

Hindi maitatatwa na marami ang nalungkot sa biglaang pamamaalam ng TVJ sa kanilang TV show na siyang pinakamatagal na umere sa telebisyon. Pero diumano ay hindi naman sila mawawala nang tuluyan sa ere. Mapapanood din sila sa ibang programa. Diumano under negotiation ang lahat at kausap daw ng grupo si Mayor Albie Benitez ng Brightlight Productions para umere sa TV5. Pero ang balita ay “Dabarkad” na ang magiging title nito at hindi na “Eat Bulaga.”

Samantalang agad naman naglabas ng official statement ang GMA-7. “We are saddened by today`s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a month hand swift resolution of their issues. Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.” So, nangangahulugan na hanggang 2024 pa sa network ang programa. Pero hanggang ngayon ay wala pang lumalabas kung sino ang magiging host o papalit sa TVJ kung magli-live na ulit sila. Sa ngayon ay replay muna ang mapapanood na episode ng “Eat Bulaga.” Diumano ay may offer daw ang TAPE, Inc. kina Jose Manalo at Wally Bayola pero wala pang official statement.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *