KIM CHIU, KASAL MUNA BAGO ANAK O ANAK MUNA BAGO KASAL?

KIM CHIU, KASAL MUNA BAGO ANAK O ANAK MUNA BAGO KASAL?

May be an image of 3 people and text that says "Sabee... OVETEAM, GANE ERN! ni: JULIE BONIFACIO"
No description available.
No description available.

SINEKRETO ni Kim Chiu ang location ng bagong bahay niya nu’ng ungkatin ang tungkok dito. Ayon kay Kim; “Basta. Malamig siya. Sa malamig na lugar.” Pero makikita sa picture ng bagong bahay ni Kim na ipinost niya sa kanyang Instagram ang mga pine trees sa palibot ng labas ng bahay na malawak na garden at malaking swimming pool. Kaya it’s either sa Baguio City or Tagaytay City ang location ng magiging vacation house ng pamilya niya.

Produkto ng dugo at pawis daw ni Kim ang pinagmulan para maipatayo ang kanilang vacation house. “Sobrang saya kasi isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko magkaroon ng vacation house. Para rin sa papa ko. Kasi kailangan niya ng fresh air, ganyan. And then, para na rin sa mga kapatid ko,” lahad ni Kim. Tinanong din si Kim kung may bagong investment na papasukin after ng vacation house niya.

“Uh, ako ngayon, hindi naman super yaman ako. Parang isa-isa lang muna. Saka I also have a bag business ngayon, ‘yung House of Little Bunny. Naisip ko palaguin muna ‘yung business ko,” sambit pa nya.

Thankful and happy si Kim na sinuportahan siya ng Vice President ng Megasoft Hygeinic Products, Inc., ang gumagawa ng Sisters Sanitary Napkins & Pantyliners, na si Ms. Aileen Choi-Go sa kanyang bag business. Pinakyaw ata ni Ms. Aileen ang bags ni Kim. Pero ‘di raw sabi ni Ms. Aileen.

Bumili raw siya ng marami na different colors and styles ng mga binebebentang bags ni Kim. Anyway, Kim is not getting any younger. Walang duda na financially stable na sya at going steady naman ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Xian Lim. Ang tagal na rin nila ni Xian. Pero wala tayong nababalitaan na engagement proposal si Xian kay Kim. Nag-aalala ang iba na baka maunang mabuntis si Kim bago ikasal. “Yun nga! Mas kabahan ka kapag nabuntis hindi pa kinasal. Hahaha. Matakot tayo doon,” birong seryoso ni Mim. Depende raw talaga sa mga bagay-bagay bago siya nagdesisiyong magpakasal. Ganern.

No description available.

EVERYBODY SING AGAIN

MAS kapanapanabik ang magiging kantahan ng mga player mula sa iba’t ibang komunidad o ‘songbayanan’ sa pagbabalik ng “Everybody, Sing!” ni Vice Ganda dahil ginawang higit sa P2 milyon ang jackpot prize simula ngayong weekend Hunyo 3 at 4). Tiyak din na aapaw ang kantahan at kasiyahan tuwing weekend family time dahil magkakaroon na ito ng 100 players na magbabayanihan upang makuha ang premyo.

Noong nakaraang season ng unang community singing game show ng bansa, napanood ng mga viewer ang pagtutulungan ng 50 players upang mapanalunan ang P1 milyon na jackpot prize. Ilan sa mga nagwaging ‘songbayanan’ ay ang mga bartender, gas station worker, at bank employee.

Sa isang panayam sa “Magandang Buhay,” binigyang-diin ni Vice ang kahalagahan ng family time. Aniya, makabuluhan para sa kanya ang pag-uusap nila ng kanyang inang si Rosario tuwing gabi. “Every night tumatawag talaga siya, every night nag-uusap kami sa telepono. Bago siya matulog kailangan makita ko muna ‘yung mukha niyang walang pustiso. Kaligayahan ko ‘yun eh tsaka ‘yan ‘yung mukhang gusto kong nakikita every night. ‘Pag tumawag ka, ang laking awas ‘nun sa nararamdaman ko,” lahad ni Vice.

Unang sasalang ngayong weekend ang ‘songbayanan’ ng mga police officer. Magkakaroon na rin ng celebrity guests kada weekend na kakanta kasama ang bandang Six-Part Invention. Ngayong weekend, unang sasalang si KZ Tandingan at ang mga komedyanteng sina Divine Tetay at Petite. Makuha kaya ng unang ‘songbayanan’ ang jackpot prize? Abangan ‘yan sa “Everybody, Sing!”tuwing alas 7 ng gabi kada weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5. Available rin ito sa iWantTFC at TFC.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *