friend to all, enemy to no one?? DIMPLES ROMANA, MISS FRIENDSHIP NG MGA KAPAMILYA ACTRESSES

friend to all, enemy to no one?? DIMPLES ROMANA, MISS FRIENDSHIP NG MGA KAPAMILYA ACTRESSES

May be an image of 1 person and text that says 'RatedR Rated by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

LUCKY charm ng maraming young actresses ang award winning actress na si Dimples Romana, gaya nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Belle Mariano, Charlie Dizon, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Andi Eigenmann at Kaila Estrada. They have high respect to the actress na Hindi lang nila nakatrabaho kundi naging kaibigan pa kahit tapos na ang trabaho nila. Dimples on the other hand has so many good words for the young actresses na nabanggit.

“I’m very close to them, all of them. And I’m thankful kasi yung friendship namin is beyond showbiz. We shared secrets , some personal and we truly respect each other. When they need me, I’m available wag lang yung malayo ako . Like ito ngang premiere night ng movie ni Kathryn Bernardo kasi I’m in Cebu magtatrabaho so I can’t make it. Sayang nga. But most often than not, I’m available to them. Sina Andi bihira kaming magkita kasi she lives in Siargao so pag nandito lang siya sa Manila, we see each other. Ganun din sina Francine, Andrea, Belle and Charlie, I’m happy for them kasi andun na sila. Maraming projects, magagaling na artista. I’m very close also to Kaila na sya ang lagi kong nakakasama. Ang galing galing nung bata at hindi naman nakakapagtaka kasi both parents are award winning actors, sina ate Janice de Belen at Kuya John Estrada Akala mo lang tatahi- tahimik sya pero malalim si Kaila. And her acting, mahusay sya. Iba. She’s doing her homework. Kaya pagdating sa set, ready sya sa mga eksena,” mahabang tsika ni Dimples.

Marami pang young stars ang gustong makatrabaho si Dimples. Dream nila na makasama sa Isang project ang aktres. Feeling nila, marami silang matututunan Kay Dimples when it comes to acting at maging sa personal. Marami kasi ang humahanga sa aktres dahil napaka-organisado nito bilang tao, sa professional man o personal. Meron ding mga pasaway na mga artistang nakatrabaho si Dimples at dedma na lang sya sa mga ganun.

“Pagdating sa trabaho, siyempre Ikaw sa sarili mo, alam mo na kung ano ang gagawin, ready ka na. So mayroong darating sa set na dun lang magbabasa ng script at yun nga, magiging cause of delay sya. Pero bihira namang mangyari yun. Lalo ngayon sa mga ginagawa ko, I get to work with the most brilliant actors in the industry kaya masuwerte ako,” wika pa ng aktres.

HINDI makapaniwala si William Lorenzo na pagkatapos ng mahabang panahon ay heto”t katrabaho niya ang pamangkin ng award winning international director at National Artist nang namayapang si Lino Brocka na si Direk Allan Brocka. Isa nga si William sa cast ng “Love And Lockdown” kung saan naglast-shooting day na sila kamakailan sa Tanay Rizal.

Dun nga namin nakapanayam ang aktor. “Maliit lang yung role ko pero napakalaking karangalan na mapasama ako sa movie na ito. It’s an international movie na Plano ni Direk Allan na isali sa iba’t ibang international film festival bago ipalabas dito sa Pilipinas Kinontak ako one time ni Mell Navarro, kaibigan Kong showbiz reporter at gusto raw akong mameet ni Direk Allan. Actually, lahat ng mga actors na nakatrabaho ni Direk Lino noon gusto nyang mameet since wala syang kilalang local actors dito at hindi na nya inabutan ang Tito Lino nya nung nabubuhay pa. So we met over dinner with Ricky Davao at iba pa . Dun lang kami nagkita. Kuwentuhan about his uncle, about his films. At sinabi nga nya na may movie syang gagawin na isu- shoot dito sa atin. I’m happy naman at kinuha nya ako. Nung nagsu- shoot na kami, parang nakikita ko sa kanya si Direk Lino, yung style nya sa pagdidirek. Si Direk Lino kasi, gagawin muna niya yung gagawin mo tapos gagayahin mo na ganung-ganun. Ganun din si Direk Allan. At metikuloso din sya, huh! Maraming shots, iba- ibang anggulo. Mabusisi. Kapag hindi pasado sa kanya ang eksena, uulitin nya. Hanggang sa maging okey na. I saw Direk Lino sa kanya, kaya parang nabuhay ulit si Direk Lino. Namiss ko lalo ang aking paboritong direktor. Maaga lang niya tayong iniwan”, mahabang kuwento ni William.

Si Direk Lino Brocka ang nakadiscover kay William at inintroduced sya sa pelikulang “Macho Dancer” na launching movie naman ni Allan Paule with Daniel Fernando, Jacklyn Jose and Princess Punzalan. From then on, kasama na sa halos lahat ng pelikula ni Direk Lino si William. At kung nabubuhay si Direk Lino, tiyak na proud sya kay William dahil bukod sa professional ito, mahusay pang aktor . Tatak Lino Brocka.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *