


KAMPEON at nakumpleto ng Germany na walisin sa kasaysayan ng 2023 FIBA World Cup men’s basketball championship matapos talunin nila ang bansang Serbia, 83-77, sa match finals para angkinin ang pangarap na Naismith Trophy ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Pinangunahan ni Dennis Schroder ang pag-atake sa ikatlong quarter nang makumpleto ng Germany ang eight-game sweep ng 2023 Fiba Basketball World Cup.
Kaugnay nito, si Schroder ay may siyam sa kanyang 28 puntos sa ikatlong quarter na nakita ng mga Germans players na limitahan ang opensa ng Serbia sa 10 markers lamang sa panahong iyon para magwagi sa laro. Tinangka ng Serbia na makabalik sa fourth period at pinutol ang depisit nito sa apat, 73-69, wala pang limang minuto ang natitira. Si Johannes Voigtmann ay nag-drill ng triple para bigyan ang Germany ng karagdagang lamang at ang mga free throw ni Franz Wagner ay naglagay sa Germany sa 78-69, subalit si Aleksa Avramovic ay nagpabagsak ng isang tres para sa mga Serbians na palapit. Kasunod nito, ang foul ni Voigtmann kay Avramovic ay naglagay sa huli sa linya kung saan pinabagsak niya ang lahat ng tatlong charity upang putulin ang depisit sa tatlo, 78-75, may 1:21 ang nalalabi.
Kalaunan, isang foul ni Avramovic ang nagdala kay Schroder sa linya kung saan hinati niya ang kanyang mga free throw. Si Franz Wagner ay tinawagan ng foul may 39 segundo ang natitira at pinapunta si Marko Guduric sa linya at tumira ng dalawang freebies para ilagay ang Serbia ng dalawang puntos, 79-77. Tinawagan si Guduric ng foul, na nagbigay-daan kay Schroder na mailagay sa dalawang free throws para sa Germany nang hindi nakuha ni Avramovic ang kanyang huling three-point attempt.
Naisalpak ni Schroder ang dalawang free throws upang i-settle ang final score sa kanilang paraan upang manalo ng World Cup championship title sa kauna-unahang pagkakataon na FIBA World Cup finals game appearance nito. (Joseph Elias Bontogon)
