


AMINADO si John Arcilla na hindi niya kailangang masyadong paghandaan ang pagiging host ng game show ng TV5 na “Spingo.” “Honestly, wala. Kailangan ko lang magpaka-totoo na ganito ako sa totoong buhay. Umaakting ako as kontrabida, as bida pero lahat tayo sa totoong buhay umiiyak at lahat tayo sa totoong buhay may fun side. So ayon lang, naging totoo lang ako. Ang sarap magpasaya, ang sarap ng tumutulong. Dito kasi wala akong problema. Wala akong kailangang i-characterize. Ang maganda lang dito, nakaka-unwind ka. Nakaka-relax ka. Sobrang sa aking blessing nitong show sa totoo lang. Hindi siya makakasagabal o hindrance at all. In fact, makakadagdag ito para ma-refresh ako sa gagawin ko pa,” paliwanag ng award-winning actor.
Baka naman mas maging priority na niya ang hosting ngayong nasubukan na niya itong gawin kesa sa pag-arte? Ani John, “Hindi ko naman totally iiwanan ang acting. Kasi iba rin kasi yung ano no’n, eh… Ilang taon na akong artista mula pa sa theater so iba yung high ng you create characters and you actually… we are influencers so when I do projects I see to it na ang projects ko ay mayroong mata-touch na audience na somehow mali-liberate siila, mata-touch mo yung heart nila. Definitley hahatiin ko ang acting at hosting kasi super fun talaga ito. Nag-i-enjoy talaga ako kasi walang structure, eh. Walang kailangan. Ang projects kasi, I study kasi my script usually and my structure ako tungkol sa ano yung resolution, so naka-structure ang bawat ginagawa kong projects, so trabaho talaga siya kahit maigsi yung role, kahit mahaba yung role. Talagang kailangan kong malaman yung psychological aspect niya, yung physical aspect niya, or sociological aspect niya nung character ko. Dito walang ganun, eh, kaya talagang nakaka-unwind siya. Kung magtutuloy-tuloy ito thank you so much, itutuloy ko. Pero at the same time lalo itong makakapagpa-refresh sa akin para gumawa ng bagong characters sa mga films ko.”
Hindi naman itinanggi ni John na walang masamang umasa na katulad sa pag-arte ay mabigyan din siya ng recognition bilang TV host. “Siguro kung saan tayo nagwo-work gusto natin ng recognition. Kung magkakaroon oke lang, kung hindi okey din naman,” aniya. Inilhahad naman ni John kung ano ang kanyang kinatatakutan ngayon. “Takot akong… gusto kong kalimutan yan tanong na yan. Kasi gusto kong mabuhay nang walang takot. Pero sguro, as of now, ang parang struggle ko para matanggal sa buhay ko yung ganun na takot akong mag-isa, na alam mo yon, yung mga mahal mo sa buhay ay mawala sa ‘yo, but ang dami-dami kong binabasa na mga books for us na pinanganak tayong mag-isa at mamamatay tayong mag-isa. Medyo may struggle ako sa ganun. Parang para sa akin ang hirap ng ganun. Parang gusto ko pag kaibigan ko dapat kasama kita sa buhay so puwede bang kayo ang mauna o ako ang mauna. Parang may ganun akong klaseng…. Pero nilalabanan ko yon kasi dapat ready ka rin sa pag let-go, so pinag-aaralan ko yon,” pahayag ng aktor.
Paano ba niya nakikita ang sarili 20 years from now? “Aktor pa rin ako. Nakikita ko a ng sarili ko na katulad nina Al Paccino, Robert Dinero, nila Tito Eddie Garcia na kahit 90 years old na kapag kaya ko pang mag-memorya at kailangan pa ako ng industriya mamamatay akong aktor. Well, ayokong mamatay ng violent, gusto ko yung matutulog lang ako kung mawawala ako. Pero nakikita ko ang sarili ko na hanggang sa pagtanda ko hindi ako titigil sa pagtatrabaho bilang aktor kasi very fulfilling para sa akin talaga yung pagiging isang aktor, hindi lang siya self fulfillment actually it’s a commitment at isang service sa audience ang pagganap ng mga karakter,” huling sabi ni John.

