sa rehearsal ng forthcoming concert nila… SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION, NAG-IIWASAN MAGPANAGPO

sa rehearsal ng forthcoming concert nila… SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION, NAG-IIWASAN MAGPANAGPO

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

SA interview kay KC Concepcion sa podcast na Updated with Nelson Canlas sinagot lahat nang una ang tanong sa kaniya, maging ang tungkol sa kanila ng mom niyang si Sharon Cuneta ay naitanong. Tanong ni Nelson kay KC ay, “Is there any part of your life that you would like to rewrite?” Kahit ikinagulat ni KC ang tanong ay sinagot niya ito at kaniyang sinabi. “Wow, big question, hahaha! Of course, there are! You know I wish I really would like for my mom and I to be best friends again.” Sabi pa niya, “There`s a lots of years that have gone by na siyempre may mga destructions kami and I know later on in life, we would be better than ever. Hindi mawawala yung pagmamahal namin sa isa`t-isa and one day, pag ikinasal na ako at nagkaanak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever and I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya, nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”

Dahil sa sinabi ni KC ay dumagsa ang nagdarasal na sana matupad ang kaniyang wish na bumalik sa dati ang kanilang relasyon mag-ina at maging best friends uli sila. Matatandaan nang malaman ni KC na magkakaroon ng concert ang kaniyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon ay laking tuwa nito at hindi sa wakas ay natupad din ang kagustuhan niyang magsasama muli ang kanyang mga magulang kahit man lang sa stage na magkasamang kumakanta.

Sabi nga niya, “Ang sarap ng pakiramdam ko nang malaman ko magsasama sa isang concert ang aking mga magulang. Ito ang matagal ko nang pangarap na muling magsama sila at maging magkaibigan muli. Hindi ko hinahangad na muli silang magsama dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay. Ang gusto ko lang ay maging magkaibigan muli sila.”

Hindi rin ikinaila ni KC nang malaman niyang magsasama sa concert ang kaniyang mga magulang ay nagkulong siya sa kuwarto para mapag-isa dahil sa sobrang saya ng kanyang pakiramdam. And speaking of Sharon at Gabby concert ay tila may problema nangyayari. Nandoon nababalitang walang pictorial na magkasama at hindi nagre-rehearse nang magkasama sina Sharon at Gabby. Maging sa sinasabing back-to-back press conference para sa kanilang concert.

Nandoon darating daw si Gabby at haharap sa media mula alas-dose ng tanghali hanggang 1:30 lang ng hapon. Pag-alis ni Gabo ay saka naman papasok si Sharon ng alas-dos ng hapon. Sa concert proper na lang daw magkakasama ang dalawa. Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit kailangan hindi sila magkita bago ang concert? Comment tuloy ng mga nagmamahal sa dalawa ay malabo na naman magkabalikan pa sila Gabby at Sharon dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang pamilya. Si Sharon ay may anak na kay Kiko Pangilinan kaya malabong iiwanan pa ng Megastar, kaya walang dahilan para magkaroon pa ng selosan sa muling pagsasama sa concert nina Gabby at Sharon. Well, sinuman ang may idea nito ay maging successful sana ang concert ng mga magulang ni KC.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *