


NASA Netflix na ang ” Ang Pangarap Kong Oskars” na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Paolo Contis ng Mavx Production sa direksyon ni Jules Katanyag. Proud si Joross na maganda ang pelikula nila at pangarap nila na magkaroon ng Oscar recognition at masali sa Best International Foreign Film na hanggang ngayon ay hindi pa nakalamit ng Pilipinas Funny at horror ang tema ng pelikula kung saan bida din sina Faye Lorenzo at Kate Alejandrino, at marami pang iba. Sa interview ay nasabi ng mga artista na pangarap nila na magkaroon ng Oscar nominasyon ang movie nila at napansin sa Best International Foreign Film Why not , maganda ang pelikula at pwdeng makipagsabayan sa ibang Asian films na naghakot ng award sa Oscar last year.
Yun din ang plano ng producer at direktor kaya ginawa ang pelikula. Sa 33 films na sinabmit ng Pilipinas sa Oscars para sa Best International Foreign Film ay never pa tayong sinuwerte o makakuha ng nominasyon. Baka dito nga sa pelikula ay makamit na natin ang ating pangarap. Malay natin di ba? Anyway, parehong award winning actor sina Joross at Paolo. Busy si Joross sa ” The Missing Husband” Kasama sina Yasmien Kurdi, Roco Nacino, Jak Roberto, Nadine Samonte at marami pang iba. Kakaiba ang character ni Joross na isang ‘scammer’ ang role. Si Paolo naman ay napapanood araw araw sa noontime show na “Eat Bulaga” ng GMA7


super haba ng hair….. RUFA MAE QUINTO, BINUKING NA ISA SA EX-LOVER NIYA AY NAGSESELOS TO DEATH PA RIN SA KANYA
HAPPY and contented ang comedy sexy actress na si Rufa Mae Quinto sa buhay nya. She has a handsome and supportive husband, a beautiful daughter at tuloy tuloy pa rin ang mga projects niya sa TV at pelikula. Sabi ng komedyanang sexy aktres, sarili na niya ngayon ang inaasikaso niya especially she’s now a mother.
“Siyempre ang priority ko ngayon is my daughter. Yung future niya kaya I have to work hard pa rin. Okey na naman ang pamilya ko kaya family ko na ang focus ko ngayon,” sabi ni Rufa Mae sa Isang panayam. Now that she’s a mother, ngayon lang daw nya naintindihan at nauunawaan ang nanay at lola niya na super protective sa kanya during her younger days. “Oo, ganun pala , ngayon ko lang naintindihan kung bakit super higpit nila sa akin. Siyempre nga naman, babae ako kaya ayaw nilang mapahamak ako o may masamang mangyari sa akin. ” wika pa nito.
Sa mga naging karelasyon o mga naging ex bf niya ay sinabi ni Rufa Mae na wala syang kaibigan sa mga ito “Wag na lang. Tapos na nga pero may nagseselos pa di ba? Move on na! Ewan ko ba, sobrang ganda ko ba? Hahaha! Naku ano ba iyan?! Joke lang yun.Pero meron talaga. Nanggagalaiti pa nga sa selos di ba? Hindi matanggap na mahal na mahal pa rin ako kahit nasa kanya na. Hahaha! Joke!” pakuwelang sey pa ng seksing komedyanang aktres.
Maraming projects ang gagawin ni Rufa Mae na mga TV shows at pelikula kaya matatagalan pa bago sila magkita ng mag-ama niya. “Miss ko na nga sila eh. Buti may video call at almost everyday o maya’t maya nag-uusap kami. Just hang on, saglit lang ako dito sa Pinas,” sey pa nya.
