


NASAAN na nga ba ngayon ang Kapamilya actress at philanthropist na si Angel Locsin? Ano na nga ba ang pinagkakaabalahan niya sa buhay? Huling nakita ng publiko si Angel sa Instagram noong August 13, 2022. Since then ay hindi na ulit siya nagparamdam sa social media. Marami rin ang nagtatanong kung buntis na ba si Angel dahil lagpas isang taon na silang kasal ng asawang si Neil Arce. Pero ani Ogie, hindi pa raw buntis si Angel.
Sa isyu tungkol naman sa estado ng pagsasama nina Angel at Neil, wala naman daw problema tungkol dito at hindi totoo ang mga naglalabasang tsismis. Ang mga paglilinaw ni Ogie tungkol kay Angel ay ibinahagi niya sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update. Ayon pa sa vlogger-talent manager, may dahilan kung bakit hindi na nakikita ang aktres ngayon sa TV at pelikula. Kahit sa sa social media ay nananahimik din si Angel at walang updated na post.
Ayon sa source ni Ogie, nasa bahay lang umano si Angel at ine-enjoy ang kanyang absence sa social media. Ito raw ang tamang panahon for her para makapahinga simula nang magsimula siyang mag-artista maraming taon na ang nakakaraan. Pinag-usapan din nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa vlog ang matagal na pamamahinga ni Angel sa showbiz.
“Si Angel Locsin po ay nasa bahay, at ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media,” ayon sa kuwento ni Ogie na galing naman daw sa kanyang source. “Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Ibigay natin kay Angel Locsin yon. Yon ang gusto niya eh. Basta happy si Angel Locsin. Siya ay may bahay o taong bahay,” dagdag pa ni Ogie. “Kung maalala mo Loi, noong kanyang kabataan, talagang bugbog sa trabaho si Angel. Samahan pa yan ng pag-aalaga niya ng kanyang tatay,” muling sambit ni Ogie.
Naiiintindahan naman daw ni Ogie ang desisyon ni Angel at ang pinagdadaanan niya ngayon. Anyway, matatandaang bumida si Angel Locsin sa mga sikat na teleserye gaya ng ABS-CBN tulad ng ‘The Legal Wife’ at ‘La Luna Sangre.’ Agosto 7, 2021 nang i-announce ng aktres ang kanyang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Samantala, isa ring kilalang philantrophist si Angel. Isa siya sa kauna-unahang celebrity na agad na tumutulong sa mga kababayan nakakaranas ng matinding kalamidad at matinding pagsubok sa buhay lalo na noong panahon ng pandemya. Personal na inaaasikaso ni Angel ang pamimigay ng kanyang tulong at pagpuntasa mga lugar na apektado nito na walang nakakaalam.
Kilala rin siya sa tahimik ngunit mabilis na pagtulong sa ating mga kababayan. Samantala, isa si Angel sa mga artistang hinawakan noon ni Tita Ethel Ramos kaya kaagad siyang nagpaabot ng pakikiramay namayapang talent manager. Ayon sa post sa verified Facebook account ni Angel, “Rest in Peace, Manay Ethel. Maraming salamat Manay (Team Angel PH)

