


NAGPATUTSADA si Annabelle Rama kina Claudine Barretto at Angel Locsin sa kanyang eulogy sa huling gabi ng burol ng dating manager ng dalawang aktres na si Manay Ethel Ramos sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue, Quezon City.
Paglalahad ni Annabelle, “Hoy, kung hindi dahil sa akin walang Eddie Gutierrez sa buhay mo, ha.” Nakilala ni Annabelle si Eddie dahil kay Manay Ethel hanggang sa nabuntis siya ng kanyang mister. Nagtago sa Cebu si Annabelle habang buntis kay Ruffa at nag-prodyus ng Visayan film. Bawal daw kasi siyang dumispley-display habang buntis at makitang kasama si Eddie. Ipinanganak ni Annebelle si Ruffa Gutierrez sa Makati Medical Centre at pumunta naman daw ng Amerika si Eddie. “Pagbalik ko sa Manila nanganak ako sa Makati Med. Wala si Eddie. Tumakas papuntang Amerika. At kasama niya ang Gloria Diaz,” pambubuking ni Annabelle kay Eddie.
Bago pumunta sa wake ni Manay Etehl ay nagtanung-tanong si Anabelle kung sinu-sino na sa mga dating alaga ni Manay amg dumating sa burol. Sa unang gabi pa lang ay dumating na sina Aga Muhlach at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. with his wife na si Congresswoman Lani Mercado. And then, inisa-isa ni Anabelle na uriratin kung dumating ang iba pang former wards ni Manay Ethel gaya ni Elizabeth Oropesa, Claudine Barretto at Angel Locsin.
Sadly, hindi dumating sa last night ng wake ni Manay Ethel ang tatlong former wards niya. “Mahina ni Ethel, sabi ko. Hindi man lang magbigay ng abuloy. Wala nang ibang nagbigay ng abuloy. Ako nga maski konti nagbigay ako ng abuloy, ‘noh. Kasi magagalit ‘yan sa akin, eh. Basta ako.nakilala ko ang buong showbiz, artista at mga reporter, dahil sa kanya,” diin ng aming source.
Lagi raw kasi sumasama si Annabelle sa mga showbiz lakad ng mister niyang si Eddie Gutierrez pati na sa dating opisina ni Manay Ethel sa Burke Building sa Escolta kung saan nakilala ng ina ni Ruffa Gutierrez ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde na sumisigaw-sigaw. Huling nakausap ni Annabelle si Manay Ethel bago mag-pandemic. Doon nabanggit ni Mamay na nahulog siya sa hagdan. Sinabihan niya ang dating manager nina Aga, Claudine, Angel at Ina Raymundo na mag-ingat at mahirap ma-ospital.
Pagkatapos noon ay hindi na sila nagkausap ni Manay Ethel. Nabusy na raw si Annabelle sa pagdarasal na huwag silang ma-covid ni Eddie. “Nagkulong kami sa bahay. Wala ako’ng kinakausap maski isang reporter. Dasal ako ng dasal dahil halos lahat ng kaibigan ko namatay sa covid,” diin pa niya. Thankful sya na ‘di sila na-covid ni Eddie. “Fresh na fresh,” turo niya kay Eddie. “Galing sa stem cell ‘yan.” Alam na dis.

LUBOS din ang pasasalamat ng aktres na si Jaclyn Jose na makatrabaho ang star-studded cast ng FPJ’s Batang Quiapo tulad nina Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, at iba pang bigating artista. Ayon kay Jaclyn, “Kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, parang hindi kumpleto ‘yung pagiging artista ko. Kailangan namin makasabay, kung ‘di man namin mapantayan, ‘yung taas ng lahat ng mga karakter na nandito dahil talaga naman bawat character ay lumalaban.” Samantala, naka-abang na ang netizens sa bagong yugto ng serye pagkatapos mag-trending sa social media ang ilang mga pasilip na eksena.
Viral na nga ang isang post ng Klasik Titos and Titas of Manila tungkol sa rag-to-riches na kwento ni Susan Africa na nakakuha na ng 163,000 likes at iba’t ibang memes. “After three decades, wala na siyang ubo. The world is healing! First time na hindi mahirap at hindi na inuubo ang role ni Susan Africa,” sabi sa post. Dugtong pa niya, “Ms Susan Africa on her most Rockwell Plantita role,” komento ng sikat na social media influencer na si Macoy Dubs. “Miss Susan Africa after niya magnomo esss ng Robitussin chiiiiii.” Natuwa rin ang netizens sa isang eksena kung saan nabuking na ni Ramon (Christopher de Leon) ang totoong pagkatao ni David (Mccoy De Leon). Pero sa tingin ng ibang netizens, baka panaginip lang ang eksenang iyon at hindi pa malalantad ang pagpapanggap ni David. “Finally yung gigil nating lahat sa walanghiyang David na yan matutuldukan na hahahaha, lagot ka ngayon,” sabi naman ni @remuel004 t.ngkol sa tila pagpatay ng karakter ni Mccoy De Leon. “Sana naman di yan panaginip ni david huh!! Banas na banas na ko dyan sa kayabangan ni david & rigor,” sabi ni @Maryella1703.
