


IPINAKILALA sa movie press ang thirty-five (35) artists ng Vince Tanada Artist Management (VTAM) sa Philippine Stages Foundation (PSF) theater kamakailan. Naniniwala si producer-direktor-writer-aktor-talent manager Atty. Vince Tanada sa talent ng mga nasabing artist. Magagaling umarte, kumanta at sumayaw ang kanyang mga artist na mabibigyan ng breaks o exposures sa shows sa iba’t ibang networks at pelikula. Isa na rito si Donita Nose, plano ni direk Vince na gagawan ito launching movie. Handa niyang sugalan ito. Naniniwala ang magaling director-aktor sa talent ni Donita Nose.
Matatandaan na ilan sa kanyang mga artist ay nakasama sa pelikulang “Katips” . Humakot ng awards sa iba’t ibang award giving bodies. Isa na rito si Johnrey Rivas bilang Best Supporting Actor. Napag-alamanan din namin na mayrun ding bagong talent si direk Vince may gagawa ito sa Vivamax, ang “Sapot”. Para kay direk Vince, wala siyang restrictions sa kanyang mga talent. Dagdag pa nito, ayaw niyang sa artist na may attitude. May upcoming musical play ang talents ng Vince Tanada Artist Management, ang “Bayani Love’s : Hero Z” . Ang kauna-unahang horror musical play sa bansa.Iikot sa lahat key cities, colleges , universities sa iba’t ibang provinces mula Luzon, Visayas at Mindanao. Mula Octubre 1 hanggang Agosto 2024. Ang kauna-unahang horror musical play sa bansa. “Bayani Love’s : Hero Z”, malapit na mapapanood sa buong bansa! Ang dulang “Bayani Love’s Hero Z” ay isang orihinal na Filipino Musical na sumasalamin sa mahahalagang kaganapan at kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng Kastila ngunit ginamitan ng talinhaga at isinalin sa isang hindi matukoy na panahon sa isang magulong komunidad.
Sa panulat at direksyon ni Atty. Vince M. Tanada. Ang dulang musikal na ito ay malikhain at artistikong interpretasyon sa mahalagang kasaysayan ng Pilipinas upang maging mas malapit sa wika, gawi, musika, galaw, at kasuotan ng makabagong panahon. Sa pamamagitan nito mas magiging malawak at malikhain ang kaisipan ng mga kabataang manonood. Ang pagpasok ng paksa ukol sa pandemya ay isa ring epektibong pag-unay ng kasaysayan sa makabagong panahon. Ang lahat ng mga paksa na ipinasok sa dula ay magiging epektibo na paraan upang magamit ang sining sa pag-eduka sa ating mga kabataan.
Ang pinakamabisang layunin ng dulang ito ay ang pagsasanib ng sining, kasaysayan at danas para makapagturo sa lahat ng mga manonood. Mula sa panulat at direksyon ng multi-awarded director and writer (Aliw, Broadway World, Dangal ng Bansa, Palanca and FAMAS, among them) Vincent M. Tañada at musika ni Pipo Cifra bilang musical director. Ang dulang “Hero Z” ay para sa lahat ng manonood (General Patronage).

