


NATATAWA na lang si Bea Alonzo kapag tinatanong sya kung kelan ang kasal nila ng fiancee na si Dominic Roque. Pagkatapos kasi ng kakaiba at napakagandang wedding proposal ni Dom.kay Bea ay nakaabang Ang lahat kung kelan na ang kasal. Natanong muli si Bea sa presscon ng “Love Before Sunrise”. “Lahat tayo excited, kayo mas Lalo na,” natatawang simula ni Bea.
“Well, we all know na may mga trabaho pa tayong gagawin at marami yun at may kontrata po yun. So wag po tayong magmadali pero siyempre excited kami ni Dom on our wedding. Kasunod na yun eh, kasi nga nag-proposed na. Pero you know, may mga trabaho pang dapat tapusin at gawin bago pa namin pagtuunan yung pansin , yung wedding. ”
Mas lalong gumanda si Bea at kitang kita sa glow ng kanyang mga mata iyon. Masaya ang puso, maraming trabaho kaya naman maligayang maligaya sya ngayon
“Ayokong mawala iyon, ayokong umalis sa sitwasying iyon dahil siguro naman deserved ko yun. I work hard… how many years.. matagal na…so gusto ko namang namnamin yung sayang iyon na para lang sa akin. For now, I was in a situation na maligayang-maligaya . Lahat ng aspect ng buhay ko. I’m very grateful sa lahat ng trabaho na meron ako, sa mga trabahong ibinibigay sa akin ng aking network, ang GMA 7. Sa aking family, forever grateful ako kasi andyan sila masaya o malingkot ako. Sila yung unang nandyan para pagaanin ang lahat pag may problema. Sa aking mga supporters. Friends from the industry , sa lahat ng naniniwala sa akin, I’m forever grateful and thankful to all of you. ” masayang tsika ni Bea.
Hindi sinagot ni Bea ang tanong na kapag nagkita sila ni Gerald Anderson at binati sya nito, will she do the same.? Mula ito sa insidente na nagkita si Maja Salvador at si Gerald at nagbatian ang dalawa. At tama lang yun since may pinagsamahan naman sila. Pero iba ang dating kay Julia Barretto nang matanong ito kung okey lang ba sa kanya ang naganap sa boyfriend niya at sa ex- gf nito. Ito nga yung viral video kung saan nagwalk-out si Julia kesa sagutin ang tanong. Ayan, nabash tuloy sya ng todo. Pero si Bea, hindi nagwalk-out sa tanong, nag-smile lang sya. Parang si Karylle nung natanong noon kung totoong buntis si Marian Rivera sa kasagsagan ng relasyon nila noon ni Dingdong Dantes kung saan na-ghost si Karylle . Anyway, 1st time na magtatambal sina Bea at Dennis Trillo sa isang serye kahit pa parehong dream nilang magkatrabaho sila since they’re friends nung kapwa nasa Star Magic pa sila sa ABS CBN.
“Oo nga eh. Dream come true ito sa amin ni Dennis. First time! I look up to him dahil Hindi lang sya guwapo, super husay pang aktor.” sey ni Bea. #”Sino ba naman ang hindi mai-excite sa napakagandang project na ito, Bea Alonzo lang naman ang kapareha mo. Isa sa pinakamahusay na aktres, Napakaganda, matalino , mayaman , nasa kanya na yata lahat noh? Wala na akong masabi kundi sa pagsasama naming ito, it was a dream come true , nasa bucket list ko ito noon pa at ngayon nga ay nagkatotoo na. I’m so happy and blessed for that. ” Sabi naman ni Dennis.

IPINAKILALA ang 32 StarKada artists ng Net 25 Star Center sa press kamakailan. 12 boys at 20 girls na pawamg mga kabataan silang lahat Kasama ang actor-director Eric Quizon as the Head of Star Center. Sinabi ni Eric na gusto talaga niyang magmentor at mag-share ng kanyang kaalaman Lalo na sa mga kabataang artista. Other than their looks, ipinakita rin ng StarKada na kaya nilang umarte. Sa pamamagitan ng ginawa nilang short film na dinirek ng award winning actor Ricky Davao , ginampanan nila ang iba’t ibang papel sa bawat maikling kuwento. Mayroon ding nagpakita ng husay sa pagsayaw at pagkanta.
Anupa nga ba’t ginawa nilang lahat ang kanilang kakayahan. Present din sa naturang event sina Mam Wilma Galvante at Sir Caesar Vallejos na masayang masaya sa ipinakitang kahusayan ng mga bata. Ang 32 StarKada ay kinabibilamgan nina Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, John Heindrick, Bo Bautista, David Racelis, Gia Gonzales, Gera Suarez, Crissie Mathay, Dana Davids, Rachel Gabreza, Yvan Castro, Tim Figueroa, Zach Francisco, Victoria Wood, Via Lorica, Shira Tweg, Migs Rubia, Shanicka Arganda, Patrick Roxas, Ornella Brianna, Nate Reyes, Miyuki De Leon, Mischka Mathay, Kanishia Santos, Marco Ramos, . Juan Atienza, .Jam Aquino, Jannah Madrid, Celyn David, Arwen Cruz, Aaron Gonzales and Drei Arias.
