hiwalayan blues inililihim ng husto….. YOUNG ACTRESS, SAKAL NA SAKAL SA SOBRANG SELOSONG KA-LOVE TEAM
TOTOO kaya itong nakarating sa amin na diumano’y hiwalay na ang isang sikat na loveteam? Ayon sa kwento ng aming reliable source, two months na raw break ang magka-loveteam. Ang dahilan umano, ay nasasakal na raw si young actress sa relasyon nila ni young actor. Masyado raw kasi itong mahigpit, na kailangang ipaalam ni young actress sa dating boyfriend ang lahat ng gagawin niya, at kung saan siya pupunta.
Na noong minsan daw na may pinuntahan itong si young actress,na hindi ipinaalam sa young actor, ayun at inaway umano siya nito. May gagawing serye ang magka-loveteam sa isang malaking network. At kahit hiwalay na sila, no choice sila, kundi gawin ‘yun, dahil may contract sila rito. Sa taping nila para sa serye, siguradong mag-uusap lang sila kapag magkaeksena sila. Pero after nu’n, dedmahan na ang mangyayari.
Pero siguradong mapapansin ‘yun ng production staff, at iisipin ng mga ito na baka may tampuhan lang sila. Na hindi nila alam na hiwalay na ang magka-loveteam. Wala kasing kaalam-alam ang network na pinagtatrabuhan ng magka-loveteam na nagkanya-kanya na sila ng landas. Hindi kasi nila ipinaalam sa kani-kanilang handler.
Pero bongga ang source namin, dahil nalaman niya ang hiwalayan ng sikat na loveteam, ‘di ba? At ang source namin, ay hindi nakukuryente, huh! Noong chinika niya sa amin ang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson noon, na idinaan namin sa blind item, ayun after ng ilang mga araw ay umamin ang dalawa na hiwalay na nga sila. So, posible ngang hiwalay na nga itong isang sikat na loveteam?
CLUE: Sino ang loveteam na tinutukoy namin? Well, hindi pa sila umaamin na may relasyon na sila kahit obvious naman na sila na. Lagi nilang sinasabi sa mga interviews nila na close friends lang sila. Another clue? Yun name ng gurl katunog ng kampana. Yun na! BY: ROMMEL PLACENTE