NAKAKALAGIM ang patuloy na sagupaan na nagaganap sa Israel.
Ayon sa Israel, umaabot na ngayon sa mahigit 1,500 Hamas na ang napapatay at ksama na diyan ang 3 filipino na nasawi at tatlong iba pang pinoy na nawawala.
Subalit bago pa yan ay may 1,200 naman ang napatay sa mga mamamayan ng Israel at tinangay ang may 150 hostages ng mga hinayupak na Hamas na ang Diyos yata ay si ‘Taning’.
Dahil diyan ay may 22 pinoy na kabilang sa 30,000 filipino na kasalukuyang nasa bansang Israel ang nanawagan na sila ay matulungan na makauwi na dito sa Pilipinas dahil sa panganib na hatid ng pagsiklab ng naturang kaguluhan sa lugar.
Tiniyak naman ng ating pamahalaan na nakahanda ang gobyerno na iligtas at sagipin ang ating mga kababayan na naipit sa madugong kaguluhan sa Israel at katunayan ay nakatakdang ilipad pabalik sa bansa ang walong OFW na kabilang sa unang batch sa darating na Oktubre 16, 2023.
Nawa’y wag nang madagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi sa Israel at Gaza at sana’y wala nang madamay na ating mga kababayan na nagtatrabaho o naninirahan sa nabanggit na bansa.
Isipin na lamang na ang nasawing 42 anyos na filipino caregiver na si Paul Vincent ay nakuha na ang kanyang plane ticket sa kanyang amo na pinaglingkuran niya ng apat na taon na gagamitin niya sana pauwi sa Pilipinas upang sorpresahin sa darating na kapaskuhan ang kanyang ina.
Anong kademonyuhan ng mga Hamas na ito at nakaisip ng ganitong kawalanghiyaan…na nagdamay ng mga inosenteng buhay na gaya ng ating tatlong kababayan at ng libu-libong iba pa na ilan ay mga bata, matanda at ultimo sanggol ay hindi nakaligtas sa kanilang kademonyuhan.
Sana’y humupa rin agad ang kaguluhang ito alang-alang sa mga inosenteng apekatado sa pangyayari…ang Diyos ay laging nakatingin at nakasubaybay!
oooo000000oooo 0000ooooo0000
Samantala, nais naman nating tawagan ng pansin ang mabait at masipag na Officer in Charge (OIC) ng Laguna Police Provincial Office PCOL Randy Glenn G. Silvio dahil sa umano’y ginagawang pagkusinti ng ilang mga hepe ng pulisya sa ilang bayan ng Laguna gaya ng Binan, San Pedro, Sta Rosa, Cabuyao, Calamba at iba pa kung saan naglipana ang mga pasugalan at mga pergalan.
Malakas daw umano sa kapulisan ang ilang pergalan na matatagpuan diyan sa Banlic, sa may Polo Highway, Complex sa may loob, Sta Rosa Bunion Trump Plaza na pag-aari nitong si Judith, Save More na hinahawakan nitong pesteng si Kenneth, Binan Palengke, Pacita Complex, San Pedro Sa Dita na isa pang pag-aari ni Judith at gayundin diyan sa may katapatan Village.
Nawiwili ang mga lintik na ito dahil iniispoyl ng mga kapulisan sa lugar at gayundin ng mga nakaupong mga barangay chairman…naku, kayo rin, chairman…malapit na po ang eleksyon…KAYO RIN!