MASAKIT SA ULO!

MASAKIT SA ULO!

NAKAKATULOG pa kaya ngayon nang mahimbing ang ating mga pinuno sa gobyerno?

Nakakatulig ang banatan ng grupo ng mga Duterte kontra sa mga mambabatas ng ating Kongreso kung saan may namumuong iringan sa pagitan nina Vice President Inday Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez na nitong bandang huli ay pinakialaman na rin ng dating Pangulong Duterte.

Nagsimula ang lahat sa ginawang umano’y lantarang pag-bully o panghihiya sa Ikalawang Pangulo ng bansa sa isyu ng confidential funds ng OVP at DepEd na nauwi sa pagkatanggal nito kasama ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na inalisan din ng naturang pondo.

Bakbakan Royal ang nagaganap ngayon at mukhang malayo ang mararating nito kung hahayaan lang silang magkaribok.

Tsk tsk kung hindi makikialam sa iringan na ito ang Pangulong Bongbong Marcos ay iisa na lang ang susi diyan para maayos pa ang gusot kung maaari…si Madam Senator Imee Marcos!

Kapatid siya na panganay ng pangulo, pinsan siya ni Romualdez at sanggang dikit siya ni VP Inday sara.

Sana maayos na yan…NAKAKAHIYA SA BAYAN! PONDO ANG INYONG PINAG-AAWAYAN!

Isa pang nakakabuwisit ngayon ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi lang bigas…lahat na!

Parang wala lang yata sa gobyerno na halos di na nakakasunod sa maayos na pagkain ng tama ang pamilyang pinoy.

Hindi na lang mga pobre at mahihirap ang umaangal sa mga lider ng ating pamahalaan tungkol sa isyu ng mga napakataas na halaga ng mga bilihin kundi kahit na yung mga negosyante at may mga kaya sa buhay.

Bwisit kasi ang presyo lalo pang lumala at nadoble ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke.

Magtanong po kayo sa mga namimili sa palengke pag tinanong nyo tungkol sa mataas na presyo ng mga bilihin…ang isasagot sa inyo ay nakakatulog pa kaya ang mga pinuno ng administrasyong ito habang halos wala nang mabiling murang pagkain ang mga pilipino?

Tsk tsk tsk!

Ito pang isa sa nakakabuwisit eh ang gitgitan diyan sa West Philippine Sea!

Mga buwisit kayo…wala bang matino na makakapagpatupad ng tamang pagpapasunod ng law of the sea?

Lintik na United Nations yan ala naman ding silbi.

Sayang lang ang pondo ninyo…

Naturingan na kayo ang may kapangyarihan para ayusin ang mga problemang katulad nito ay wala kayong magawa upang ayusin ang mga ganyang problema.

Hindi uubra na basta lang sasabihin ninyo na ang teritoryong ito ay sa Pilipinas, ito ay sa China…ito ay sa Malaysia…ito ay sa Vietnam.

Dapat ay magkaroon po kayo pangil para magpatupad kung ano ang naging desisyon ninyo para sa hangganan ng mga teritoryo para kung sino ang lalabag diyan ay malalaman kung sino ang may katwiran na magreklamo.

Ayan, oh nagbabanggaan na ng mga barko…

Tsk tsk tsk ito kasing China bully rin eh.

Gusto laging lamang…laging angat.

Hays, kung kinakailangan ng matindi-tinding reinforcement diyan sa dagat pag nagkakabanggaan na ang PCG at China eh may alam akong sagot diyan…si Justin Brownlee ang ipadala nyo…tinalo na niya ang mga yan.

00000oooo00000oooo

MAHIRAP pa ring gibain ang kasalukuyang nakaupo na Punong Barangay sa Brangay San Agustin Quezon City na si Brgy. Chairman Atty. Roy Osorio gayundin si kagawad Abella talite.

Subok na kasi ang serbisyo ni Kap at dahil sa kanyang napakagandang performance sa mga nakalipas na taon ng kanyang pagseserbisyo sa kanyang mga kabaranggay ay inaasahan ang muli niyang pagkakahalal.

Si Kagawad Talite ay tunay na may puso at malasakit sa kanyang mga kabarangay at isa siya ngayon sa pinakamalakas na kandidatong Kagawad sa kanilang barangay.

Gud luck po, Kap Osorio at Kag. Talite!

( Para sa inyong reklamo o suhestiyon tumawag o magtext sa 0950 151 1929)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *