55 ANYOS NA TULAK, TIKLO MATAPOS MAKIPAGHABULAN SA MGA PARAK SA RIZAL

55 ANYOS NA TULAK, TIKLO MATAPOS MAKIPAGHABULAN SA MGA PARAK SA RIZAL

No description available.
No description available.
No description available.
No description available.

ARESTADO ang isang 55 anyos na lalaki matapos na magtangkang makapuslit at makipaghabulan sa mga awtoridad nang makatunog ito na isa palang pulis ang poseur buyer na katransaksyon niya sa droga na naganap sa Kaytikling Road, Barangay Dolores, Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat ng pulisya na ipinarating sa tanggapan ni PCOL Felipe B. Marragun, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, dakong alas-2 ng hapon noong Oktubre 23, 2023 ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng PM PDEU mula sa isang mapagkakatiwalaang infornant tungkol sa diumano’y talamak na bentahan ng droga sa nabanggit na lugar kung saan isang Alyas REX ang sinasabing nasa likod ng naturang iligal na aktibidades na natukoy naman na kabilang din sa listahan ng high value individual.

Bilang pagtalima sa natanggap na impormasyon ay agad na nagkasa ng isang buy bust operation ang mga awtoridad sa ilalim ng pamamahala nina PLTCOL Al-Rieza S Kinang at PCPT Jackson A Aguyen kung saan umakto naman bilang poseur buyer si PCPL Bernas.

Sa gitna ng pagsasagawa ng operasyon ay nakahalata ang suspek na nakilalang si Emmanuel Salvador y Javier a.k.a. Rex, may-asawa, jobless, high school graduate at residente ng Madlanghaya, St. Brgy San Juan, Taytay, Rizal.

Nang iabot umano ng poseur buyer ang marked money sa suspek ay naramdaman nito na isang operatiba ng pulisya ang kanyang katransaksyon kung kaya’t nagmamadali itong tumakbo at mabilis na tumakas sakay ng kanyang minamanehong kotse patungo sa direksyon ng Antipolo City.

Dahil dito ay nagkaroon ng paghahabulan patungo sa nabanggit na siyudad ang suspek at ang mga operatiba kung saan isang nagpapatrulyang mobile patrol ng Antipolo City Police Station ang tumulong na rin sa pagtugis sa tumatakas na suspek.

Pagsapit sa Petron gasoline station ay minaniobra ng suspek ang kanyang sinasakyan at pilit pa ring tinatakasan ang mga humahabol na awtoridad. At upang maiwasan ang anumang kapamahakan na posibleng magdamay pa ng mga motorista ay nagdesisyon ang mga humahabol na operatiba na paputukan ang gulong ng sasakyan ng suspek subalit aksidenteng nasapol ang kanang hita ng suspek.

Nakorner ang suspek sa parking sa may bahagi ng Rizal Provincial Capitol kung saan nakumpiska mula sa suspek ang ilang piraso ng mga ebidensiya kabilang na rito ang humigit kumulang 125 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P862, 500, 1 genuine 1 thousand peso bill na may serial number S377060 at boodle money ng 19 pieces ng five hundred bills at isang 184 pieces ng one thousand bills na ginamit bilang marked money 1 unit ng Suzuki Sedan, Suzuki Dzire, Red with plate number NGU 7500.

Ang pagsasagawa ng markings at inventory ay sinaksihan nina Brgy. Chairman Leandro Cabasbas ng Brgy. San Roque, Antipolo City at media representative Job Moreno Jr. ng Pinoy News Channel.

Ang biktima ay isinugod sa pinakamalapit na ospital kung saan agad na nilapatan ng lunas ang tinamo niyang sugat at pagkatapos ay dinala sa Taytay Municipal Police Station kung saan siya nakadetine sa kasalukuyan.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *