


HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang ginawang pag rampa ng award-winning actress na si Nadine Lustre sa local fashion label na Rafa Worldwide sa ginaganap na BYS Fashion Week kamakailan. Ang aktres ang nag-close ng collection ng designer na si Raf Villas na may titulong “Hyperballad.” Suot nito ang isang sexy red piece na may fringes at intricate beading. Kung saan ang ginawa nitong pagrampa ay himamig ng sandamakmak na papuri mula sa netizens at ilan dito ang sumusunod. “I really like her skin tone amazona vibe.” “She Mothered…Hard.” “Everything she does is classy.” “We stan a multitalented and powerful queen.” “Papikitin ang mga inggit.” “I really like her skin tone amazona vibe.”


KIER LEGASPI AT DENNIS PADILLA, THE ONE THING THEY HAD IN COMMON
EMOSYONAL ang naging pahayag ng actor na si Kier Legaspi na nagtataka siya kung bakit naputol ang komunikasyon nila ng anak nito kay aktres Marjorie Barretto na si Dani Barretto, dahil wala naman daw siyang alam na pagkukulang dito. Inalala pa ng aktor na marami silang masasayang alaala ni Dani at may insidente pa daw na sa kanya ito tumuloy nang minsang magkaproblema sa pamilya, pero ng maayos daw ang problema nito at makauwi na sa kanila ay nag-iba na ang lahat.
Ayon nga sa aktor “I’m just here, if you need me. Ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang. Ito naman talaga ang obligasyon ng magulang na mahalin ang anak kahit anong mangyari. And take note, vice-versa kahit naging masama, mabuti ang magulang mo rerespetuhin mo ‘yan, mamahalin mo ‘yan dahil kung wala ang magulang mo, hindi kayo mabubuhay,” Inihahalintulad nga nito ang kanyang sarili sa komedyanteng si Dennis Padilla na may mga anak din kay Marjorie at ganoon din ang nangyayari. “Isa ako sa taong makaka-relate kay Dennis. Hindi man 100% ang pinagdaanan namin merong resemblance, so ang masasabi ko kay Dennis, alam mo ang katotohanan at iyon ang importante,”
Nag bigay din ito ng mensahe kay Dennis “Always do the right thing, alam mo ang katotohanan, tama ang ginagawa mo, taas noo kang haharap sa tao at mayroon kang peace of mind and peace in your heart na ‘yun ang importante at always humingi ka ng tulong sa Diyos. Hanggang ngayon iyon lang naman ang ginagawa ko.” Pagtatapos ng isa sa bituin ng Black Rider ng GMA 7.
