


SA daming negatibong naglalabasan sa Its Showtime marahil ang chikang pagbubuntis ni Karylle ang naging magandang naging usap usapan ng madlang pipol. Number 1 trending ngayon sa lahat ng mga balitang may pampa good vibes ang mag asawang Yael Yuzon at Karylle, na ilang taon na din hinihintay ang magkaroon ng munting mini me nila. Kaya good news ang blessings na ito lalo na Christmas season, magandang regalo sa mag asawa. Excited na sila sa kanilang pagiging new parents malamang magpapahinga muna sa showbiz si Karylle nito, lalo pa ito ang kanyang unang baby at kailangan focus muna siya bago ma stress. Alam naman na demanding ang kanyang work sa Its Showtime. Madami din pala ang nakapansin sa singer host lalo na napadalas ang antok nito, kaya di na ito nagdalawang isip pa magpacheck up sa isang sikat na hospital. Sinamahan pa ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla, hayun nabigla sila sa resulta ng binati ng kanyang pedia na buntis nga ang kanyang Karylle. Sa ngayon wala pa kumpirmasyon galing sa singer pero abangan na lang sa mga bagong update, lalo na matalas ang pang-amoy ng mga maritess dyan sa madir Ignacia, well kung ganyan naman na good news, why not coconut di ba at least may bagong anghel na aabangan ang madlang pipol.


DIRTY DANCING EK-EK
TILA gustong ipakita ng napapabalitang mag x and y na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na sila pa rin kahit kalat na kalat na ang balitang nagkahiwalay na sila. Heto ang latest sa magloveteam, na kahit kunwari lang ang kanilang pagkikita at todo todong dirty dancing pa ang kanilang eksena, ay napaghalatang scripted lang ang lahat. Aba, di naman sila ganyan kung kumilos na halos maglaplapan na. Sa ngayon ang layo ng kanilang distansya almost 1 meter at pilit lang kung sumayaw as in natatabangan na ang mga fans.
Pakitang tao na lang daw ng magdyowa ang kanilang latest appearance para lang walang masabi ang kanilang management. Baka ayaw pa nga sila paghiwalayin, lalo pa na madaming mawawalang proyekto ngayong malapit na ang Kapaskuhan, at ang nakalineup for next 2024. Kahit ganyan na ang kanilang relasyon at least makikita mo ang respeto lalo na kay DJ na maginoo sa babae, kaya hayan sa sobrang lambing nito sa mga chicks yan din ang sumpa niya, kung bakit naputol ang ilang taon na pagsasama nila ni Kathryn?
Kahit wala pa umamin sa kanila, action speaks louder than words, panahon na lang makakapagsabi kung sila pa din ang magkatuluyan. Kaya kung ano man ang desisyon nilang dalawa, ibigay na natin tutal nabibigyan pa naman ng kasayahan ang kanilang mga tagahanga sa anuman mga papel ang kanilang gampanan sa telebisyon o sa pelikula, kaya suporta lang mga Kapamilya para sa inyong mga lodi!
