kahit malayo agwat ng edad…. CLAUDINE BARRETTO, GAME NA GAME SA KISSING SCENE SA ISANG YOUNG KAPUSO ACTOR

kahit malayo agwat ng edad…. CLAUDINE BARRETTO, GAME NA GAME SA KISSING SCENE SA ISANG YOUNG KAPUSO ACTOR

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

PINAG-uusapan ngayon sa social media ang interview kay Claudine Barretto na kung saan ay tila may pasaring siya sa bagong partner ng ex-husband na si Raymart Santiago. Sa naturang interview ay natanong si Claudine tungkol sa annulment case nila ni Raymart. Sagot ni Claudine, ”Ongoing yung annulment namin pero delay nang delay yung deadline ni Raymart for support and he`s trying to get custody. Sixteen years old na si Santino, 19 ba si Sabina. And hindi ko alam kung bakit gusto niya ng custody,“ say ni Claudine.

Ayon pa sa actress ay sa mediacon lang diumano sila nagkikita ni Raymart at hindi raw sila nag-uusap. Sa tanong naman kung may pagkakataon pa ba sila maging friends ng ex-husband. Sabi niya noong bago pa lang sila naghiwalay, pero ngayon ay malabo na. “Dati, oo. Meron. Pero siguro, sa bagong relationship din, hindi possible. Kasi, hindi magandang influence sa kanya, compared sa isa dati,” say ni Claudine. Tinanong kung si Jodi Sta Maria ba ang kanyang tinutukoy. Alam kasi ng karamihan ngayon ay si Jodi ang bagong karelasyon ni Raymart. “Wala akong sinasabi,” sagot ni Claudine. Sabi pa niya; “Actually po, as much as ano, yung lang talaga ang maise-share ko ngayon, kasi nasa process kami ng….nasa court naman kasi. Nasa court kami, for custody na naman, kahit malaki na yung mga anak ko, 19 and 16, parang ganu`n. Ayaw ibigay yung bahay sa akin na pinaghirapan ko pa mula sa Mula sa Puso yung mga ganu`ng issues,” pahayag ni Claudine.

Samantalang kung babasahin ang feedback ng mga netizens sa naging pahayag ni Claudine ay nabahiran daw ng vibes ang ang dapat sanang promo ng Lovers/Liar na sana raw ay hindi na isinama ang karelasyon ni Raymart. Sana raw nag-promote na lang siya ng kanyang comeback series. Pinagkumpara tuloy sina Claudine at Jodi bilang actress at nanay na hindi dapat dahil pareho silang mabuting ina at actress na kapwa itinataguyod ang kanilang mga anak.

Proud nga si Claudine ibalita sa pumapasok si Sabina at sa Brent naman si Santino, pero nga lang nabahiran ng kanegahan dahil sa kanyang naging sagot. Siyanga pala may love scene at kissing scene si Claudine kay Yasser Marta sa nasabing series. Nang tanungin ng director ng series kung may limitasyon ba siya in doing these scene ay wala raw. “Wala akong limitasyon at gagawin ko ang lahat, kung ano ang gusto ni direk. After seven years, ngayon lang uli ako gagawa ng teleserye. Ibibigay ko ang 101 percent o 1 million percent ko. I will be giving my best,” pangako ni Claudine.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *