


NAGBALIK-tanaw sina Maricel Soriano at Roderick Paulate tungkol sa kanilang pagkakaibigan. Muli nilang ni-revisit ang mga hindi nila makakalimutang memories sa isa’t-isa. “Hindi ko makakalimutan ‘yung Batman, ‘yung kotse mo. Kasi bata ako, e. ‘Yung red. Batman talaga. Parang ang feeling ko safe na ako. Parang I can be me (myself) na kasi nandyan na siya e,” pagbabahagi ni Maricel. Dagdag pa nila, napakatibay na rin daw ng pundasyon ng kanilang pagkakaibigan sa dami ng kanilang pinagdaanan. “He’s a warm person. No hullabaloos pero you have to get to the point kasi kapag hindi, alam niya kapag pinapaikot mo siya,” bulalas ni Maria.
Itsinika rin ng Diamond Star ang kanyang naging obserbasyon kay Roderick noong mga bata pa sila. “Bata pa lang kami, nagpupurihan na kaming dalawa. Parang sinasabi nya na ‘Huwag kang magsasalita ng ganyan kasi hindi lang naman ako, ikaw rin!’ parang ganon sa kanya,” aniya. Kwento naman ni Dick: “Si Maria kasi makikita mo, bata pa lang, ano ka na, totoo ka na. ‘Yung kapag may nagugustuhan ka, kahit ikaw yung bida, nilalapitan mo yung kasama mong artista, [sasabihin mo] ‘Ang galing galing mo!’ Kapag sinabi mong galing, ilalaban ako n’yan. Kapag sinabi mong husay, ilalaban ako n’yan. Sabihin mong gwapo ako, uuwian yan. Sasabihin n’ya, ‘lokohan na yan e’.”
Meron pang nakakatuwang anekdota ang beterana at award-winning actress kay Dick na noong una ay tila ayaw nitong ipabuking. May pagkakataon raw noon na nagpunta si Maria sa bahay ni Kuya Dick subalit wala ito. Tinanong daw nito sa nanay ni Dick kung ano ang suot na sapatos nito nang umalis. Ora mismo, alam na raw agad ng aktres kung saan ito pupuntahan at hindi naman ito nagkamali sa kanyang kutob. “Sinugod ko siya. Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito nang hindi ka nakakasakay sa kotse ko. Magkamatayan na tayo dito!’” pagbabalik-tanaw ni Maricel.
Sa huli, naiuwi raw niya ang kanyang kaibigan by hook or by crook. Naikuwento rin niya na maski sa lovelife ay may say sila sa isa’t isa. Labis din ang pasasalamat ni Roderick sa pagkakaroon ng isang Maricel na bukod sa tunay na kaibigan ay maaasahan niya sa lahat ng pagkakataon. Sina Maricel at Roderick ay muling magsasama sa pelikulang “In His Mother’s Eyes” na iprinodyus ni Mommy Flor Santos under 7K Entertainment.
Kasama rin sa cast ang singer turned actor na si LA Santos in his most challenging role as a special child. Mula sa panulat nina Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio at sa direksyon ni FM Reyes (“Linlang”), nasa powerhouse cast din sina Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Vivoree, Maila Gumila, Elyson de Dios at marami pang iba. Ang pelikulang ito na punong-puno ng puso ay palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 29. #InHisMotherEyes
