SALPUKANG KATHRYN BERNARDO AT ANDREA BRILLANTES, NAMUMURO NA

SALPUKANG KATHRYN BERNARDO AT ANDREA BRILLANTES, NAMUMURO NA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YANH!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

TRULALEY na ang giyerang Kathryn Bernardo at Andrea Brilliantes sa kapapasok pa lang na chika ay nag-unfollow na ang mga aktres na ito sa kanilang Instagram, na alam naman ng lahat kung anong puno’t dulo ang kanilang pinag aawayang isyu. Ito ang lihim na pagkikita nina Andrea at Daniel Padilla habang mag on pa sila ni Katryn Bernardo. Kung di pa ito nabuking ni Ogie Diaz na may something fishy sa magjowang Kathniel malamang tuloy pa rin ang ligaya ng aktres na si Andrea at Danie,l lalo pa laging nasa kaganapan ang aktres na si Kathryn. Matagal na palang nagkahiwalay ang magjowa kaso di masyadong napapansin, dahil nga sa wala namang lumabas na dahilan para maghiwalay ang naturang loveteam sa totoong buhay.

Pero ayon sa mga source ay ilang buwan na hindi makikitang magkasama ang dalawa lalo na nung Premiere Night ng pelikulang A Very Good Girl kung saan ay solong rumampa ang aktres. Doon na nakasagap ng mga chikang hiwalay na nga ang magjowa kasi nga naman, pag may kaganapan sa buhay ni Kathryn ay laging kasama niya si DJ, na imposibleng mawawala sa kanyang mahalagang okasyon. Lalo na all time blockbuster ito ngayong 2023. Wala pa namang statement galing kay Andrea sa ngayon pero mukhang guilty ito at mas nanahimik nalang ang aktres baka nga naman makaapekto sa kanyang career. Lalo pa atat na atat pa naman itong maangkin si DJ kahit noong nene days pa nito ay crush na crush nito ang aktor. At inaabangan niya ito sa Kapamilya compound para lang makausap at yun na nga natuloy na ang balak na maging sila. Walang dapat sisihin dito kundi ang aktor na nagpadala sa kaway ng alindog ni Andrea kaya hintay na lang sa confirmation malapit na sumabog ang mga eksenang aabangan ng mga maritess.

No description available.

PAULO AVELINO, WA KEBER MAGING CHUBBY MAN

LAST day na ng Linlang kaya ang unang gagawin sa ngayon ni Paulo Avelino ay ang puspusang pagpapayat at diet lalo na required sa kanyang role as victor na maging chubby but delicious. Ayon sa aktor bagamat mahirap ang maging mataba pero enjoy naman ito sa kakain ng walang bawal lalo na di niya kailangan maggym. Akala lang ng mga tagahanga na nagpabaya sa kanyang katawan ang aktor, pero kasama pala ito sa kanyang preparasyong sa serye, kung saan nga ay hinangaan at epektib ang kanyang aktingan. Sa ngayon isa ang Linlang sa mga proyektong ma-miss ni Paulo dahil dito niya natupad ang kumain ng kumain lalo na sa kanyang mga food cravings, na talagang pinatutunayan lang ng aktor na may dedikasyon siya sa pagbibigay ng magandang pagganap. Kung anuman ang makuhang role kesehodang maging butanding pa siya sa huli basta maibigay lamang ang kanyang best performance, lalo na sa mga tagasubaybay ng kanyang career.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *